Mosiah 5:2–5

At silang lahat ay sumigaw sa iisang tinig, sinasabing: [i]1429[/i]

Oo, pinaniniwalaan namin ang lahat ng salitang iyong sinabi sa amin; [i]2396[/i] at gayundin, alam namin ang katiyakan at katotohanan ng mga yaon, dahil sa Espiritu ng Panginoong Makapangyarihan na gumawa ng malaking pagbabago sa amin, o sa aming mga puso, kaya nga kami ay wala nang hangarin pang gumawa ng masama, kundi ang patuloy na gumawa ng mabuti.

At kami, sa aming sarili, gayon din, sa pamamagitan ng walang hanggang kabutihan ng Diyos, at sa mga pagpapahayag ng kanyang Espiritu, ay nagkaroon ng mga dakilang pananaw sa yaong darating; at kung kapaki-pakinabang, maaari kaming makapagpropesiya ng lahat ng bagay.

At ito ang pananampalatayang nakamit namin sa mga bagay na sinabi sa amin ng aming hari na nagdala sa amin sa ganito kadakilang kaalaman, kung kaya’t kami ay nagsasaya nang labis-labis sa dakilang kagalakan.

At kami ay nahahandang makipagtipan sa aming Diyos na gawin ang kanyang kalooban, at maging masunurin sa kanyang mga kautusan sa lahat ng bagay na kanyang ipag-uutos sa amin, sa lahat ng nalalabi naming mga araw, upang hindi namin dalhin sa aming sarili ang isang walang katapusang parusa, kagaya ng sinabi ng anghel, upang hindi kami makatungga sa saro ng poot ng Diyos.

From section: Reaksiyon ng Takapakinig

From page: Ang Talumpati ni Haring Benjamin

Commentary