Gumising, at pakinggan ang mga salitang aking sasabihin sa iyo; sapagkat masdan, ako ay naparito upang ipahayag sa iyo ang masayang balita ng dakilang kagalakan. Sapagkat dininig ng Panginoon ang iyong mga panalangin, at hinatulan ang iyong kabutihan, at isinugo ako upang magpahayag sa iyo nang ikaw ay magsaya; at nang ikaw ay makapagpahayag sa iyong mga tao, upang sila rin ay mapuspos ng kagalakan.