At ito ay nangyari na, na natagpuan nila ang hari ng mga Lamanita sa bilang ng kanilang mga patay; gayon pa man, siya ay hindi patay, nasugatan lamang at naiwan sa lupa, napakabilis ng naging pagtakas ng kanyang mga tao. At kanilang kinuha siya at binendahan ang kanyang mga sugat, at dinala siya sa harapan ni Limhi, at sinabi: Masdan, narito ang hari ng mga Lamanita; siya na nagtamo ng sugat ay nabuwal sa kanilang mga patay, at kanilang iniwan siya; at masdan, dinala namin siya sa iyong harapan; at ngayon, atin siyang patayin.