At ito ay nangyari na, na natagpuan nila ang hari ng mga Lamanita sa bilang ng kanilang mga patay; gayon pa man, siya ay hindi patay, nasugatan lamang at naiwan sa lupa, [i]2472[/i] napakabilis ng naging pagtakas ng kanyang mga tao. At kanilang kinuha siya at binendahan ang kanyang mga sugat, at dinala siya sa harapan ni Limhi, at sinabi: Masdan, narito ang hari ng mga Lamanita; siya na nagtamo ng sugat ay nabuwal sa kanilang mga patay, at kanilang iniwan siya; at masdan, dinala namin siya sa iyong harapan; at ngayon, atin siyang patayin.