Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Ang Labanan sa Mga Lamanita

Mosiah 20:7–8

Isang araw, ang mga Lamanita ay hindi inaasahang lumapit sa lungsod, nakahanda upang makipaglaban kay Limhi, na nabigyang babala, at nagsagawa ng mga paghahanda.

Kaya nga, ipinadala nila ang kanilang mga hukbo; oo, maging ang hari na rin ang nanguna sa kanyang mga tao; at umahon sila sa lupain ng Nephi upang lipulin ang mga tao ni Limhi. At ngayon, natuklasan sila ni Limhi mula sa tore, maging lahat ng kanilang mga paghahanda sa pakikidigma ay kanyang natuklasan; samakatwid, kinalap niya ang kanyang mga tao, at naghintay sa kanila sa kabukiran at sa kagubatan.

Mosiah 20:9–11

Isang madugong labanan ang sumunod.

At ito ay nangyari na, nang dumating ang mga Lamanita, ang mga tao ni Limhi ay nagsimulang sumalakay mula sa kanilang mga lugar na pinaghihintayan, at nagsimulang patayin sila. At ito ay nangyari na, na ang labanan ay naging malubha, sapagkat naglaban sila ng tulad sa mga leon para sa kanilang biktima. At ito ay nangyari na, na nagsimulang maitaboy ng mga tao ni Limhi ang mga Lamanita mula sa harapan nila; gayon man, wala sila sa kalahati ng dami ng mga Lamanita. Subalit nakipaglaban sila para sa kanilang mga buhay, at para sa kanilang mga asawa, at para sa kanilang mga anak; anupa’t nagsumikap sila at tulad ng mga dragon sila ay nakipaglaban.

Mosiah 20:12–13

Nadakip ng mga tao ni Limhi ang haring Lamanita.

At ito ay nangyari na, na natagpuan nila ang hari ng mga Lamanita sa bilang ng kanilang mga patay; gayon pa man, siya ay hindi patay, nasugatan lamang at naiwan sa lupa, napakabilis ng naging pagtakas ng kanyang mga tao. At kanilang kinuha siya at binendahan ang kanyang mga sugat, at dinala siya sa harapan ni Limhi, at sinabi: Masdan, narito ang hari ng mga Lamanita; siya na nagtamo ng sugat ay nabuwal sa kanilang mga patay, at kanilang iniwan siya; at masdan, dinala namin siya sa iyong harapan; at ngayon, atin siyang patayin.

Mosiah 20:14–15

Tinanong ni Limhi ang hari, at inalam kung ano ang dahilan ng kanyang pagsalakay. Sinabi ng hari na ito ay paghihiganti sa pagtangay sa kanilang mga anak na babae.

Subalit sinabi sa kanila ni Limhi:

Hindi ninyo siya papatayin, kundi ilapit siya rito upang makaharap ko siya.

At kanilang dinala siya. At sinabi sa kanya ni Limhi:

Ano ang dahilan upang makidigma kayo laban sa mga tao ko? Masdan, ang mga tao ko ay hindi sumira sa sumpang aking ginawa sa inyo; kaya nga, bakit ninyo kailangang sirain ang sumpang inyong ginawa sa aking mga tao?

At ngayon sinabi ng hari:

Sinira ko ang sumpa sapagkat tinangay ng iyong mga tao ang mga anak na babae ng aking mga tao; kaya nga, sa aking galit ay pinapangyari ko na ang aking mga tao ay makidigma laban sa iyong mga tao.

Mosiah 20:16

Si Limhi ay nalito, sapagkat hindi siya nakaaalam ng kahit anong pagdukot sa Lamanita. Siya ay nagsimula ng isang imbestigasyon.

At ngayon, si Limhi ay walang nalalaman hinggil sa bagay na ito; samakatwid, kanyang sinabi:

Maghahanap ako sa aking mga tao, at sino man ang gumawa ng bagay na ito ay masasawi.

Anupa’t pinapangyari niyang magkaroon ng paghahanap sa kanyang mga tao.

Mosiah 20:17–22

Pinayuhan ni Gideon ang hari na magpatawag ng isang imbestigasyon, at ipinalalagay na ang mga saserdote ni Noah, na nananatiling pagalagala parin, ay ang mga responsable sa mga pagdakip.

Ngayon, nang marinig ni Gedeon ang mga bagay na ito, siya na isang kapitan ng hari, nagsadya siya at sinabi sa hari:

Isinasamo ko sa inyo na magpakahinahon, at huwag hanapan ang mga taong ito, at huwag iparatang ang mga bagay na ito sa kanila. Sapagkat hindi ba ninyo naaalaala ang mga saserdote ng inyong ama, sila na pinaghangarang lipulin ng mga taong ito? At hindi ba’t nasa ilang sila? At hindi kaya sila yaong mga dumukot sa mga anak ng mga Lamanita?

At ngayon, masdan, at sabihin sa hari ang mga bagay na ito, upang masabi niya sa kanyang mga tao nang mapapayapa sila sa atin; sapagkat masdan, naghahanda na sila na sumalakay sa atin; at masdan din, kakaunti na lamang tayo. At masdan, darating silang kasama ang kanilang napakalaking hukbo; at maliban kung mapapayapa sila ng hari sa atin, tayo ay tiyak na masasawi.

Sapagkat hindi ba’t natupad na ang mga salita ni Abinadi, na kanyang iprinopesiya laban sa atin—at lahat ng ito ay dahil ayaw nating pakinggan ang mga salita ng Panginoon, at talikuran ang ating mga kasamaan? At ngayon ating papayapain ang hari, at ating tutuparin ang sumpang ating ginawa sa kanya; sapagkat higit na mabuti na tayo ay nasa pagkaalipin kaysa sa mawalan tayo ng buhay; samakatwid, ating itigil ang pagdanak ng maraming dugo.

Mosiah 20:23

Sinabi ni Limhi sa hari ng mga Lamanita ang tungkol sa kanyang ama, si Noa, at ang mga pangyayaring kaugnay ng kanyang pagtakas.

At ngayon sinabi ni Limhi sa hari ang lahat ng bagay hinggil sa kanyang ama, at sa mga saserdoteng nagsitakas sa ilang, at ipinalagay ang pagkakatangay ng kanilang mga anak sa kanila.

Mosiah 20:24

Naniwala ang hari kay Limhi, at nangako siya na hihimukin ang kanyang hukbo na itigil ang pakikipaglaban.

At ito ay nangyari na, na napapayapa ang hari sa kanyang mga tao; at kanyang sinabi sa kanila: Tayo nang humayo upang salubungin ang aking mga tao, nang walang sandata; at ipinangangako ko sa inyo lakip ang isang sumpa na hindi papatayin ng aking mga tao ang inyong mga tao.

Mosiah 20:25–26

Ang hari, kasama ni Limhi, ay matagumpay na napatigil ang hukbo, at tinapos ang labanan.

At ito ay nangyari na, na sinunod nila ang hari, at humayo upang salubungin ang mga Lamanita nang walang sandata. At ito ay nangyari na, na kanilang sinalubong ang mga Lamanita; at ang hari ng mga Lamanita ay yumukod sa kanilang harapan; at nagmakaawa para sa kapakanan ng mga tao ni Limhi. At nang makita ng mga Lamanita ang mga tao ni Limhi, na wala silang dalang mga sandata, nahabag sila sa kanila at napapayapa sila, at bumalik nang mapayapa kasama ang kanilang hari sa sarili nilang lupain.