At ito ay nangyari na, na sinunod nila ang hari, at humayo upang salubungin ang mga Lamanita nang walang sandata. At ito ay nangyari na, na kanilang sinalubong ang mga Lamanita; at ang hari ng mga Lamanita ay yumukod sa kanilang harapan; at nagmakaawa para sa kapakanan ng mga tao ni Limhi. At nang makita ng mga Lamanita ang mga tao ni Limhi, na wala silang dalang mga sandata, nahabag sila sa kanila at napapayapa sila, at bumalik nang mapayapa kasama ang kanilang hari sa sarili nilang lupain.