At ito ay nangyari na, na si Limhi at ang kanyang mga tao ay bumalik sa lunsod ng Nephi, at muling nagsimulang mamuhay sa lupain nang mapayapa. At ito ay nangyari na, na matapos ang maraming araw, ang mga Lamanita ay nagsimulang muling mapukaw sa galit laban sa mga Nephita, at nagsimula silang magtungo sa palibot ng mga hangganan ng lupain.
Ngayon, hindi sila nagtatangkang patayin sila, dahil sa sumpang ginawa ng kanilang hari kay Limhi; subalit kanilang sinasampal sila sa kanilang mga pisngi, [i]2476[/i] at gumagamit ng kapangyarihan sa kanila; at nagsimulang magpataw ng mabibigat na pasanin sa kanilang mga likod, [i]2475[/i] at itinataboy silang tulad ng isang maamong asno— [i]2478[/i] Oo, ang lahat ng ito ay naganap upang maisakatuparan ang salita ng Panginoon.
At ngayon, labis ang pagdurusa ng mga Nephita, [i]2477[/i] at walang paraan upang mapalaya nila ang sarili sa kanilang mga kamay, sapagkat napalilibutan sila ng mga Lamanita sa lahat ng panig.