At ito ay nangyari na, nang dumating ang mga Lamanita, ang mga tao ni Limhi ay nagsimulang sumalakay mula sa kanilang mga lugar na pinaghihintayan, at nagsimulang patayin sila. At ito ay nangyari na, na ang labanan ay naging malubha, sapagkat naglaban sila ng tulad sa mga leon para sa kanilang biktima. At ito ay nangyari na, na nagsimulang maitaboy ng mga tao ni Limhi ang mga Lamanita mula sa harapan nila; gayon man, wala sila sa kalahati ng dami ng mga Lamanita. Subalit nakipaglaban sila para sa kanilang mga buhay, at para sa kanilang mga asawa, at para sa kanilang mga anak; anupa’t nagsumikap sila at tulad ng mga dragon sila ay nakipaglaban. [i]2471[/i]