Mosiah 20:7–8

Kaya nga, ipinadala nila ang kanilang mga hukbo; oo, maging ang hari na rin ang nanguna sa kanyang mga tao; at umahon sila sa lupain ng Nephi upang lipulin ang mga tao ni Limhi. At ngayon, natuklasan sila ni Limhi mula sa tore, [i]2469[/i] maging lahat ng kanilang mga paghahanda sa pakikidigma ay kanyang natuklasan; samakatwid, kinalap niya ang kanyang mga tao, at naghintay sa kanila sa kabukiran at sa kagubatan. [i]2470[/i]

From section: Ang Labanan sa Mga Lamanita

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary