Subalit sinabi sa kanila ni Limhi:
Hindi ninyo siya papatayin, kundi ilapit siya rito upang makaharap ko siya. [i]2473[/i]
At kanilang dinala siya. At sinabi sa kanya ni Limhi:
Ano ang dahilan upang makidigma kayo laban sa mga tao ko? Masdan, ang mga tao ko ay hindi sumira sa sumpang aking ginawa sa inyo; kaya nga, bakit ninyo kailangang sirain ang sumpang inyong ginawa sa aking mga tao?
At ngayon sinabi ng hari:
Sinira ko ang sumpa sapagkat tinangay ng iyong mga tao ang mga anak na babae ng aking mga tao; kaya nga, sa aking galit ay pinapangyari ko na ang aking mga tao ay makidigma laban sa iyong mga tao.