Mosiah 20:17–22

Ngayon, nang marinig ni Gedeon ang mga bagay na ito, siya na isang kapitan ng hari, nagsadya siya at sinabi sa hari: [i]2474[/i]

Isinasamo ko sa inyo na magpakahinahon, at huwag hanapan ang mga taong ito, at huwag iparatang ang mga bagay na ito sa kanila. Sapagkat hindi ba ninyo naaalaala ang mga saserdote ng inyong ama, sila na pinaghangarang lipulin ng mga taong ito? At hindi ba’t nasa ilang sila? At hindi kaya sila yaong mga dumukot sa mga anak ng mga Lamanita?

At ngayon, masdan, at sabihin sa hari ang mga bagay na ito, upang masabi niya sa kanyang mga tao nang mapapayapa sila sa atin; sapagkat masdan, naghahanda na sila na sumalakay sa atin; at masdan din, kakaunti na lamang tayo. At masdan, darating silang kasama ang kanilang napakalaking hukbo; at maliban kung mapapayapa sila ng hari sa atin, tayo ay tiyak na masasawi.

Sapagkat hindi ba’t natupad na ang mga salita ni Abinadi, na kanyang iprinopesiya laban sa atin—at lahat ng ito ay dahil ayaw nating pakinggan ang mga salita ng Panginoon, at talikuran ang ating mga kasamaan? At ngayon ating papayapain ang hari, at ating tutuparin ang sumpang ating ginawa sa kanya; sapagkat higit na mabuti na tayo ay nasa pagkaalipin kaysa sa mawalan tayo ng buhay; samakatwid, ating itigil ang pagdanak ng maraming dugo.

From section: Ang Labanan sa Mga Lamanita

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary