Ngayon ito ay nangyari na, na marami sa mga bagong salinlahi ang hindi nakauunawa sa mga salita ni haring Benjamin, na maliliit na bata pa noong panahong siya ay nangusap sa kanyang mga tao; at hindi sila naniwala sa kaugalian ng kanilang mga ama. Hindi sila naniwala sa mga nasabi na hinggil sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, ni hindi sila naniwala hinggil sa pagparito ni Cristo.
At ngayon, dahil sa kanilang kawalang-paniniwala ay hindi nila maunawaan ang salita ng Diyos; at ang kanilang mga puso ay matitigas. At sila ay tumangging magpabinyag; ni ang sumapi sila sa simbahan. At sila ay mga taong nahihiwalay ayon sa kanilang pananampalataya, at nanatili silang gayon, maging sa kanilang makamundo at makasalanang kalagayan; sapagkat ayaw nilang manawagan sa Panginoon nilang Diyos.