Ngayon ito ay nangyari na, na marami sa mga bagong salinlahi ang hindi nakauunawa sa mga salita ni haring Benjamin, [i]2500[/i] na maliliit na bata pa noong panahong siya ay nangusap sa kanyang mga tao; at hindi sila naniwala sa kaugalian ng kanilang mga ama. Hindi sila naniwala sa mga nasabi na hinggil sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, ni hindi sila naniwala hinggil sa pagparito ni Cristo. [i]2824[/i]
At ngayon, dahil sa kanilang kawalang-paniniwala ay hindi nila maunawaan ang salita ng Diyos; at ang kanilang mga puso ay matitigas. At sila ay tumangging magpabinyag; ni ang sumapi sila sa simbahan. At sila ay mga taong nahihiwalay ayon sa kanilang pananampalataya, at nanatili silang gayon, maging sa kanilang makamundo at makasalanang kalagayan; sapagkat ayaw nilang manawagan sa Panginoon nilang Diyos.