Ngayon ito ay nangyari na, na marami sa mga bagong salinlahi ang hindi nakauunawa sa mga salita ni haring Benjamin, na maliliit na bata pa noong panahong siya ay nangusap sa kanyang mga tao; at hindi sila naniwala sa kaugalian ng kanilang mga ama. Hindi sila naniwala sa mga nasabi na hinggil sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, ni hindi sila naniwala hinggil sa pagparito ni Cristo.
At ngayon, dahil sa kanilang kawalang-paniniwala ay hindi nila maunawaan ang salita ng Diyos; at ang kanilang mga puso ay matitigas. At sila ay tumangging magpabinyag; ni ang sumapi sila sa simbahan. At sila ay mga taong nahihiwalay ayon sa kanilang pananampalataya, at nanatili silang gayon, maging sa kanilang makamundo at makasalanang kalagayan; sapagkat ayaw nilang manawagan sa Panginoon nilang Diyos.
At ngayon, sa paghahari ni Mosias ay wala sa kalahati ang dami nila sa mga tao ng Diyos; subalit dahil sa mga pagtatalo sa mga kapatid sila ay naging higit na marami. Sapagkat ito ay nangyari na, na marami silang nalinlang dahil sa kanilang mahihibong salita, sa mga yaong nasa simbahan, at naging dahilan upang sila ay makagawa ng maraming kasalanan; anupa’t naging kinakailangan na yaong mga nakagawa ng kasalanan, na nasa simbahan, ay nararapat paalalahanan ng simbahan. At ito ay nangyari na, na sila ay dinala sa harapan ng mga saserdote, at ibinigay sa mga saserdote ng mga guro; at dinala sila ng mga saserdote kay Alma, na siyang mataas na saserdote.
At ito ay nangyari na, na hindi nalalaman ni Alma ang hinggil sa kanila; subalit maraming saksi laban sa kanila; oo, ang mga tao ay tumayo at nagpatotoo sa kanilang kasamaan na napakarami.
Ngayon, wala pang nangyayaring gayong bagay sa simbahan; kaya nga, si Alma ay naligalig sa kanyang espiritu, at kanyang pinapangyari na sila ay dalhin sa harapan ng hari. At sinabi niya sa hari:
Masdan, narito ang marami na aming dinala sa inyong harapan, na pinararatangan ng kanilang mga kapatid; oo, dinakip sila sa iba’t ibang kasalanan. At sila ay hindi nagsisisi ng kanilang mga kasamaan; kaya nga dinala namin sila sa inyong harapan, upang inyo silang hatulan alinsunod sa kanilang mabibigat na kasalanan.
Subalit sinabi ni haring Mosias kay Alma:
Masdan, hindi ko sila hahatulan; samakatwid ipinauubaya ko sila sa iyong mga kamay upang hatulan.
At ngayon, ang espiritu ni Alma ay muling naligalig; at siya ay humayo at nagtanong sa Panginoon kung ano ang kanyang nararapat gawin hinggil sa bagay na ito, sapagkat siya ay natatakot na makagawa ng mali sa paningin ng Diyos. At ito ay nangyari na, na matapos niyang ibuhos ang kanyang buong kaluluwa sa Diyos,...
Ang tinig ng Panginoon ay nangusap sa kanya, sinasabing:
At ito ay nangyari na, nang marinig ni Alma ang mga salitang ito na kanyang isinulat ang mga ito upang mapasakanya ang mga ito, at upang kanyang mahatulan ang mga tao ng simbahang yaon alinsunod sa mga kautusan ng Diyos.
At ito ay nangyari na, na humayo si Alma at hinatulan ang mga yaong nahuli sa kasamaan, alinsunod sa salita ng Panginoon. At sinuman ang nagsisi ng kanilang mga kasalanan at ipinagtapat ang mga ito, sila ay kanyang ibinilang sa mga tao ng simbahan;
At ang mga yaong hindi nagtapat ng kanilang mga kasalanan at hindi nagsipagsisi ng kanilang kasamaan, sila rin ay hindi ibinilang sa mga tao ng simbahan, at binura ang kanilang mga pangalan.
At ito ay nangyari na, na pinamahalaan ni Alma ang lahat ng gawain ng simbahan; at sila ay nagsimulang muling magkaroon ng kapayapaan at umunlad nang labis sa mga gawain ng simbahan, maingat na lumalakad sa harapan ng Diyos, tumatanggap ng marami, at nagbibinyag ng marami. At ngayon, ang lahat ng bagay na ito ay ginawa ni Alma at ng kanyang kapwa manggagawa sa lahat ng nasa simbahan, lumalakad nang buong sigasig, nagtuturo ng salita ng Diyos sa lahat ng bagay, nagdurusa ng lahat ng uri ng paghihirap, pinag-uusig ng lahat ng yaong hindi kasapi sa simbahan ng Diyos.
At pinaaalalahanan nila ang kanilang mga kapatid; at sila ay pinaaalalahanan din, bawat isa sa pamamagitan ng salita ng Diyos, alinsunod sa kanyang mga kasalanan, o sa mga kasalanang kanyang nagawa, na inutusan ng Diyos na manalangin nang walang tigil, at magbigay-pasalamat sa lahat ng bagay.
At ngayon ito ay nangyari na, na naging masidhi ang mga pag-uusig na ipinabata sa simbahan ng mga hindi naniniwala kung kaya’t nagsimulang bumulung-bulong ang simbahan, at dumaing sa kanilang mga pinuno hinggil sa bagay na yaon; at dumaing sila kay Alma. At idinulog ni Alma ang karaingan sa harapan ng kanilang hari, si Mosias. At si Mosias ay nakipagsanggunian sa kanyang mga saserdote.
At ito ay nangyari na, na si haring Mosias ay nagpadala ng isang pahayag sa lahat ng dako ng lupain sa palibot na hindi dapat usigin ng kahit na sinong hindi naniniwala ang sinuman sa mga yaong kasapi sa simbahan ng Diyos.
At nagkaroon ng mahigpit na utos sa lahat ng simbahan na hindi dapat magkaroon ng mga pag-uusig sa kanila, na nararapat magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao; Na hindi nila nararapat hayaan ang kapalaluan ni ang pagkamapanghamak na gambalain ang kanilang kapayapaan; na dapat pahalagahan ng bawat tao ang kanyang kapwa tulad sa kanyang sarili, gumagawa sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay para sa kanilang panustos. Oo, at ang lahat ng kanilang mga saserdote at guro ay nararapat na gumawa sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay para sa kanilang panustos, sa lahat ng pagkakataon maliban sa karamdaman, o sa malaking pangangailangan; at sa paggawa ng mga bagay na ito, sila ay nanagana sa biyaya ng Diyos.
At nagsimulang muling magkaroon ng labis na kapayapaan sa lupain; at ang mga tao ay nagsimulang labis na dumami, at nagsimulang kumalat nang malawakan sa balat ng lupa, oo, sa hilaga at sa timog, sa silangan at sa kanluran, nagtatayo ng malalaking lunsod at nayon sa lahat ng sulok ng lupain. At dinalaw sila ng Panginoon at pinaunlad sila, at sila ay naging marami at mayayamang tao.