[Mosiah 26:14–32] Layunin at pakinabang ng simbahan

At sapagkat ikaw ay nagtanong sa akin hinggil sa nagkasala, ikaw ay pinagpala.

Ikaw ay aking tagapaglingkod; at ako ay nakikipagtipan sa iyo na ikaw ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan; at paglilingkuran mo ako at hahayo sa aking pangalan, at titipuning magkakasama ang aking mga tupa. At siya na makikinig sa aking tinig ay magiging aking tupa; at siya ay tatanggapin mo sa loob ng simbahan, at siya ay akin ding tatanggapin.

Sapagkat masdan, ito ay aking simbahan; sinuman ang mabibinyagan ay mabibinyagan tungo sa pagsisisi. At sinuman ang iyong tatanggapin ay maniniwala sa aking pangalan; at malaya ko siyang patatawarin. Sapagkat ako ang magdadala ng mga kasalanan ng sanlibutan; sapagkat ako ang siyang lumikha sa kanila; at ako ang magbibigay sa kanya na naniniwala hanggang sa katapusan, ng isang lugar sa aking kanang kamay.

Sapagkat masdan, sa aking pangalan sila ay tinatawag; at kung nakikilala nila ako, sila ay magsisibangon, at magkakaroon ng lugar magpakailanman sa aking kanang kamay.

From section: Paguusig Para sa Simbahan

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary