[Mosiah 26:14–32] Hatol

At ito ay mangyayari na kapag ang ikalawang pakakak ay tumunog, sa panahong iyon, sila na hindi kailanman nakakikilala sa akin ay babangon at titindig sa aking harapan. At pagkatapos kanilang makikilala na ako ang Panginoon nilang Diyos, na ako ang kanilang Manunubos; subalit sila ay hindi matutubos.

At pagkatapos aking sasabihin sa kanila na kailanman ay hindi ko sila nakilala; at magsisilisan sila patungo sa walang hanggang apoy na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga anghel. Sa gayon sinasabi ko sa iyo, siya na hindi makikinig sa aking tinig, ay siya ring hindi mo tatanggapin sa aking simbahan, sapagkat siya ay hindi ko tatanggapin sa huling araw.

From section: Paguusig Para sa Simbahan

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary