Sa gayon sinasabi ko sa iyo, Humayo; at kung sinuman ang lalabag sa akin, siya ay hahatulan mo alinsunod sa mga kasalanang kanyang nagawa; at kung magtatapat siya ng kanyang mga kasalanan sa iyo at sa akin, at magsisisi nang taos sa kanyang puso, siya ay iyong patatawarin, at akin din siyang patatawarin.
Oo, at kasindalas na magsisisi ang aking mga tao ay akin silang patatawarin sa kanilang mga pagkakasala laban sa akin. At inyo ring patatawarin ang mga pagkakasala ng isa’t isa; sapagkat katotohanang sinabi ko sa iyo, siya na hindi magpapatawad sa mga pagkakasala ng kanyang kapwa kapag sinasabing nagsisisi na siya, siya rin ang magdadala sa kanyang sarili sa ilalim ng kahatulan.
Ngayon sinasabi ko sa iyo, Humayo; at kung sinuman ang hindi magsisisi ng kanyang mga kasalanan, siya rin ay hindi ibibilang sa aking mga tao; at ito ay susundin mula sa panahong ito.