Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Ang Panahon ng Pagsakop sa Mga Mulekite

Helaman 8:21, Omni 15–16, Helaman 6:10
Ang Kolonyag Mulekita, matapos na makarating mula sa Jerusalem, ay nanirahan sa lupain ng Zarahemla.
Omni 17
Sila ay maraming digmaan, at ang kawalan nila ng mga talaan ang naging dahilan ng kasiraan sa kanilang lipunan.
Omni 21
Si Coriantumer ay napadpad sa Zarahemla, na kung saan siya ay namalagi ng ilang buwan kasama ng mga tao.
Omni 20–21
Isinulat ng mga tao ang tala ng pagbisita ni Coriantumer sa isang malaking bato.
Omni 12–13
Ang pangkat ng mga Nephita, na pinamumunuan ni Mosiah, ay nakarating sa Zarahemla mula sa lupain ng Nephi.
Omni 14–15
Ang mga tao ng Zarahemla ay tinanggap ang mga Nephita at nalugod na makita na may dala silang mga laminang tanso.

Ang Pag-angat sa Kapangyarihan ni Mosiah

Omni 18
Si Mosias ay nagorganisa ng isang programang pang-edukasyon para sa mga Mulekita, na kung saan tinuturuan sila kung paano magbasa at sumulat sa wika ng kanilang mga ama, at itinuro sa kanila ang kanilang kasaysayan at tala-angkanan.
Omni 19
Si Mosias ay matagumpay na napag-isa ang dalawang pangkat, at nakakuha ng tulong politikal na maging hari ng Zarahemla.
Omni 20–23
Sa panahon ng panunungkulan ni Mosias bilang hari, ang talaan ng pagbisita ni Coriantumer ay natagpuan at naisalin—si Amalekias, ang tagapangalaga ng talaan, ay isinilang sa Zarahemla.
Omni 27
Ang pangkat ng mga mananaliksik na Nephita, kasama ang isang lalaki na nagngangalang Zeniff, ay lumisan sa Zarahemla upang muling makuha ang lupain ng Nephi.

Ang Paghahari ni Benjamin sa Zarahemla

Omni 23
si Mosias ay namatay, ang kanyang anak na si Benjamin ang pumalit sa kanya bilang hari.
Omni 24, Mga Salita ni Mormon 12–14
Ang mga Lamanita nagsagawa ng maraming pagtatangkang panghihimasok sa panahon ng paghahari ni Benjamin, subalit siya ay matagumpay sa pagpapanatiling maitaboy sila palabas.
Mosiah 1:1, Omni 25–26,30, Mga Salita ni Mormon 10
Ang Zarahemla ay nagtatamasa ng panahon ng kapayapaan, at si Amalekias ay inanyayahan ang kanyang mambabasa na lumapit kay Cristo—si Amalekias ngayon ay ipinasa ang mga talaan ng mga Nephita kay haring Benjamin.
Mga Salita ni Mormon 15–18
Ang mga nagsipagtalikod at mga manunuya ay lumigalig sa mga tao, subalit si Benjamin ay namuno sa katwiran, at nagawa niyang mapanatili ang kapayapaan at ipinangaral ang salita ng Diyos kasama ng ibang mga propeta.
Mosiah 1:2
Si Benjamin ay may tatlong anak na lalaki: si Mosias, Helorum, at Helaman—inaralan niya sila ng mabuti, at tinuruan sila tungkol sa mga propesiya ng kanilang mga ninuno.
Mosiah 1:3–8
Tinuruan ni Benjamin ang kanyang mga anak na lalaki mula sa mga laminang tanso, at binigyang-diin ang kahalagahan ng mga banal na kasulatan sa espirituwal na kapakanan ng lipunan.
Mosiah 1:9–14
Si Benjamin ay tumanda, at hiniling niya sa kanyang anak na si Mosias na magpadala ng pahayag sa buong lupain, na humihiling sa mga tao na magtipong sama-sama, nang sa gayon ay si Benjamin ay makapagsalita sa kanila.
Mosiah 1:15
Nagtagubilin si Benjamin kay Mosias hinggil sa mga responsibilidad ng paghahari.
Mosiah 1:16
Pagkatapos ay ibinigay ni Benjamin kay Mosias ang mga lamina ni Nephi, ang mga laminang tanso, ang espada ni Laban, at ang Liyahona.
Mosiah 1:18
Isinakatuparan ni Mosias ang hiling ng kanyang ama at nagpadala ng pahayag.
Mosiah 2:1–2
Bilang tugon sa pahayag, ang mga tao ng Zarahemla at nagtipon sa templo.
Mosiah 2:3–4
Ang mga tao ay nagdala ng mga sakripisyo na maihahain bilang tanda ng pasasalamat sa Diyos.
Mosiah 2:5–7
Itinayo ng mga pamilya ang kanilang mga tolda sa labas ng templo upang makinig kay Benjamin.
Mosiah 2:8
Dahil sa malaking bilang ng mga dumalo, hindi lahat ay maaaring makarinig, kaya ipinag-utos ni Benjamin na ang kaniyang mga salita ay maisulat at agad na maibahagi sa mga naroroon.
Mosiah 6:1–2
Isinulat ni Benjamin ang mga pangalan ng lahat ng yaong nakipagtipan.

Ang Paghahari ni Mosias sa Zarahemla

Mosiah 6:3
Si Mosias ay itinalaga na maging hari.
Mosiah 6:4
Kinuha ni Mosias ang trono.
Mosiah 6:5
Si Benjamin ay namatay.
Mosiah 6:6–7
Si Mosias ay naghari sa katwiran at umunlad.
Mosiah 7:1–3
Si Mosias ay nagpadala ng isang pangkat ng mananaliksik (na kinabibilangan ng 16 na mga lalaki, na pinamumunuan ng isang lalaking nagngangalang Amon) upang hagilapin ang pangkat ng mga taong lumisan para sa lupain ng Nephi kamakailan lang.

Ang Mga Karagdagang Tao ay Isinama sa Zarahemla

Mosiah 22:13–14
Mga isang taon kalaunan, ang mga pangkat ng mga mananaliksik ay nanumbalik kasama ang mga tao ni Limhi, na nagdadala sa dalawampu’t apat na mga laminang ginto na natuklasan kamakailan lang.
Mosiah 24:25
Si Alma at ang kanyang mga tagasunod ay dumating sa Zarahemla.
Mosiah 25:1–4
Si Mosias ay nagutos sa lahat ng kanyang mga tao na magtipong sama-sama.
Mosiah 25:5–6
Parehong inilathala ni Mosias ang mga kasaysayan ng pangkat ni Limhi at pangkat ni Alma.
Mosiah 25:7–11
Ang kanilang kuwento ay may malakas na dating sa publiko.
Mosiah 25:12–13
Ang mga pamilya ng saserdote ni Noa, na iniwan sa panahon ng pagkubkob ng mga Lamanita, ay ikinaila ang kanilang mga ama at tinanggap ang pagkamamamayang Nephita.
Mosiah 25:14
Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pinagmulan ng mga tao ng Zarahemla, tinawag nila ang kanilang mga sarili na mga Nephita.
Mosiah 25:15–16
Ibinigay ni Mosias ang pagkakataon kay Alma, na siyang nagbigay ng isang sermon tungkol sa pag-alala sa Panginoon.
Mosiah 25:17
Si Limhi at ang kanyang mga tao ay nagpahayag ng kanilang naisin na mabinyagan ni Alma.
Mosiah 25:18
Sumang-ayon si Alma, at bininyagan ang lahat ng tao ni Limhi, na sa paggawa nito ay naging mga kasapi ng simbahan.
Mosiah 26:8, 25:19–23
Matapos na makatanggap ng ligal na pahintulot mula kay Mosias, si Alma ay nagtatag ng isang pangkalahatang simbahan na may pitong sangay sa Zarahemla.
Mosiah 25:24
Ang simbahan ay lumago at umunlad.

Paguusig Para sa Simbahan

Mosiah 26:1–4
Paglipas ng mga taon, ang lumalagong salinlahi ay nagsimulang magpakita ng kawalang damdamin at kawalan ng paniniwala hinggil sa relihiyon ng kanilang mga ama, at sa gayon ay inihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa pananampalataya ng mga tao.
Mosiah 26:5–7
Ang bilang ng mga hindi naniniwala ay lumago, at ang simbahan ay nagpasya na magsagawa ng mga gawaing pangdisiplina sa kanila, at sila ay ipinatawag sa hukuman ng simbahan.
Mosiah 26:9
Maraming mga saksi ang napatotoo laban sa mga hindi naniniwala.
Mosiah 26:10–11
Si Alma, na hindi nalalaman kung ano ang gagawin, ay dinala sila kay haring Mosias.
Mosiah 26:12
Si Mosias ay tumanggi sa responsibilidad na hatulan sila, at ibinalik ang kanilang kapalaran sa mga kamay ni Alma.
Mosiah 26:13–14
Si Alma, na hindi pa rin nalalaman kung ano ang gagawin, ay nabahala, at nanalangin para sa gabay.
Mosiah 26:14–32
Tinugon ng Panginoon ang panalangin ni Alma, at sinabihan siya na ang mga hindi naniniwala ay makatatanggap ng kanilang ganap na ganti, at hanggang sa maglaon, ay hatulan lamang sila sa mga krimen na kanilang ginawa.
Mosiah 26:33
Isinulat ni Alma ang mga paghahayag na kanyang natanggap.
Mosiah 26:34–36
Si Alma, na ayon sa mga salita ng Diyos, ay nagbigay sa lahat ng mga akusado ng pagkakataong magsisi—lahat ng mga yaong nagsipagsisi ay ibinilang sa mga kasapi ng simbahan, sila na hindi ay itiniwalag mula sa mga tala ng simbahan.
Mosiah 26:37–39
Si Alma ay nagpatuloy na pangasiwaan ang simbahan na naaayon sa gayong halimbawa, at ang simbahan ay nagtamasa ng kaunlaran, ngunit nakararanas din ng patuloy na pag-uusig mula sa mga hindi naniniwala.
Mosiah 27:1
Ang paglaki ng mga pag-uusig ay nagdala sa simbahan na maghain ng mga reklamo sa gobyerno.
Mosiah 27:2–5
Si haring Mosias ay ginawang iligal ang mga susunod pang mga pang-uusig.
Mosiah 27:6–7
Ang batas ay epektibo, ang kapayapaan at kaunlaran ang sumunod.

Ang Paghihimagsik ng Mga Anak ni Alma at Mosias

Mosiah 27:8–9, 34
Ang anak na lalaki ni Alma, na si Alma, at ang mga anak na lalaki ni Mosias, si Amon, si Aaron, si Omner, at si Himni ay kabilang sa mga hindi naniniwala na nagdudulot ng mga suliranin para sa simbahan.
Mosiah 27:10–12, Alma 36:6–7
Isang araw, habang sila ay nagsasagawa ng mga paninira, isang anghel ang nagpakita sa isang makaagaw-pansin at nakayayanig na pagpapamalas.
Mosiah 27:13, Alma 36:8, 38:7
Tinawag ng anghel si Alma sa pangalan at nagtanong kung bakit niya inuusig ang simbahan.
Mosiah 27:14–16, Alma 36:9
Napaniwala ng anghel si Alma sa kanyang mga kamalian, inutusan niya siyang tumigil sa kanyang nakapipinsalang mga gawain.
Alma 36:11, Mosiah 27:17
Ang anghel ay nangusap sa mga anak ni Mosias, pagkatapos ay umalis.
Mosiah 27:18–19, Alma 36:11,10
Si Alma at ang mga anak na lalaki ni Mosias ay lubos na nanglupaypay, si Alma ay lubos na nabigla sa punto na siya ay nadaig sa pagkaparalisa ng buong katawan.
Alma 38:8, 36:12–16
Si Alma, sa kalagayan ng kawalan ng kamalayan, ay nagdalamhati dahil sa kanyang binabagabag na kunsensiya.
Mosiah 27:19–20
Ang mga anak na lalaki ni Mosias ay dinala si Alma sa kanyang ama.
Mosiah 27:21–22
Ang ama ni Alma ay nakipag-ugnayan ng isang gawain para sa simbahan na mag-ayuno at manalangin sa ikabubuti ni Alma.
Alma 36:17–22, 38:8
Si Alma ay nanawagan kay Jesus para sa kaginhawaan mula sa kanyang pagdurusa, at ang kanyang panalangin ay nasagot.
Mosiah 27:23–31, Alma 36:23
Si Alma ay bumangon, at sinabi sa mga tao ng simbahan ang kanyang pagsisisi at pagbabalik-loob.

Ang Mga Anak ni Alma at Mosias ay Nagbago

Mosiah 27:32–37
Si Alma at ang mga anak ni Mosias, matapos magsisi, ay naging mga ministro ng simbahan at humayo upang magturo ng ebanghelyo, pinagtitibay ang mga kasapi, at inaayos ang mga pinsalang kanilang ginawa.
Mosiah 28:1–5
Ang mga anak ni Mosias ay tumungo sa kanilang ama, at humingi ng pahintulot na sila ay maglakbay sa lupain ng Nephi, upang magturo ng ebanghelyo sa mga Lamanita.
Mosiah 28:6
Si Mosias ay nanalangin, at nagtanong sa Diyos kung ano ang dapat niyang gawin.
Mosiah 28:7
Ang Panginoon ay nagtagubilin kay Mosias na pahintulutan ang kanyang mga anak na lalaki na tumungo sa isang misyon.
Mosiah 28:8
Si Mosias ay nagbigay pahintulot sa kanyang mga anak na lalaki na humayo.
Mosiah 28:9
Si Amon, Aaron, Omner, at Himni ay lumisan lahat sa Zarahemla upang magtungo sa mga Lamanita.

Pinamahalaan ni Mosias ang Mga Talaan

Mosiah 28:11–16
Bilang tugon sa mga pamimilit ng publiko, si Mosias ay nagsalin sa mga laminang ginto na nakuha ng mga tao ni Limhi sa isang ekspidisyon.
Mosiah 28:17
Ang lamina ay nagbibigay ulat sa tungkol sa isang nasirang kabihasnan, ang mga Jaredita, na umiral simula pa ng "malaking tore".
Eter 4:1
Nalalaman ni Mosias na ang mga nilalaman ng mga talaan ay hindi nararapat mailathala hanggang sa pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, kaya siya’y tila nagbibigay lamang ng isang pinaikling pagsasalaysay tungkol sa talaan ng kanyang mga tao.
Mosiah 28:18–19
Ang mga tao ay masayang malaman ang kung ano ang nasa mga talaan, subalit nalungkot sa malagim na kuwentong dala nito.
Mosiah 28:11,20
Pagkatapos, tinipon ni Mosias ang lahat ng mga talaan at ipinagkatiwala ang mga yaon kay Alma, na siyang itinalaga bilang bagong tagapangalaga ng mga talaan.

Pagpapanibago ng Pamamamahala

Mosiah 28:10, 29:1
Nagpasabi si Mosias sa kanyang mga nasasakupan tungkol sa kung sino ang ninanais nila na kanilang maging hari.
Mosiah 29:2–3
Ipinahayag ng masa ang kanilang mga pagnanais na si Aaron ang kanilang maging hari. Gayunpaman, si Aaron ay nakaalis na para sa kanyang misyon.
Mosiah 29:4–36
Isinaalang-alang ang mga pamalit, si Mosiah ay nagbanghay at naglathala ng isang mahabang sanaysay na nagpapaalala sa mga tao ng mga panganib sa pagkakaroon ng mga hari.
Mosiah 29:37–39
Ang mga tao ay sumang-ayon na ang mga hari ay maaring maging panganib sa lipunan, at sa halip, sila ay nagpasya na nais nila ang mga hukom, upang magbigay sa bawat isa ng patas na pagtrato.
Mosiah 29:40
Ang mga pangsang-ayon kay Mosias ay tumaas.
Mosiah 29:41–42
Ang mga tao ay nagtalaga ng mga hukom, at si Alma ay napiling maging punong hukom, bilang karagdagan sa kanyang mga tungkulin bilang isang mataas na saserdote.
Mosiah 29:43–44
Si Alma ay isa lamang hukom, at nagpapanatili ngkapayapaan.
Mosiah 29:45–47
Ang ama ni Alma, na si Alma, ay namatay sa edad na 82; si Mosias ay namatay sa edad na 63—ang pamahalaan ng Zarahemla ay opisyal na nagpalit mula sa monarkiyal sa pagiging judisyal.