Mosiah 29:43–44

At ngayon ito ay nangyari na, na lumakad si Alma sa mga landas ng Panginoon, at sinunod niya ang kanyang mga kautusan, at humahatol siya ng makatarungang paghahatol; at nagkaroon ng patuloy na kapayapaan sa lupain. [i]2517[/i]

At sa gayon nagsimula ang panunungkulan ng mga hukom sa lahat ng dako ng buong lupain ng Zarahemla, sa lahat ng tao na tinatawag na mga Nephita; at si Alma ang naging una at punong hukom.

From section: Pagpapanibago ng Pamamamahala

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary