At ngayon ito ay nangyari na, na naging masidhi ang mga pag-uusig na ipinabata sa simbahan ng mga hindi naniniwala kung kaya’t nagsimulang bumulung-bulong ang simbahan, at dumaing sa kanilang mga pinuno hinggil sa bagay na yaon; at dumaing sila kay Alma. At idinulog ni Alma ang karaingan sa harapan ng kanilang hari, si Mosias. At si Mosias ay nakipagsanggunian sa kanyang mga saserdote. [i]1387[/i]