Mosiah 26:37–39

At ito ay nangyari na, na pinamahalaan ni Alma ang lahat ng gawain ng simbahan; at sila ay nagsimulang muling magkaroon ng kapayapaan at umunlad nang labis sa mga gawain ng simbahan, maingat na lumalakad sa harapan ng Diyos, [i]2503[/i] tumatanggap ng marami, at nagbibinyag ng marami. At ngayon, ang lahat ng bagay na ito ay ginawa ni Alma at ng kanyang kapwa manggagawa sa lahat ng nasa simbahan, lumalakad nang buong sigasig, nagtuturo ng salita ng Diyos sa lahat ng bagay, nagdurusa ng lahat ng uri ng paghihirap, pinag-uusig ng lahat ng yaong hindi kasapi sa simbahan ng Diyos.

At pinaaalalahanan nila ang kanilang mga kapatid; at sila ay pinaaalalahanan din, bawat isa sa pamamagitan ng salita ng Diyos, alinsunod sa kanyang mga kasalanan, o sa mga kasalanang kanyang nagawa, na inutusan ng Diyos na manalangin nang walang tigil, at magbigay-pasalamat sa lahat ng bagay.

From section: Paguusig Para sa Simbahan

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary