...Ang mga anak na lalaki ni Zedekias ay...napatay, lahat maliban kay Mulek. Oo, at hindi ba ninyo namamalas na ang mga binhi ni Zedekias ay kasama natin, at sila ay itinaboy palabas ng lupain ng Jerusalem?
...Ang mga tao ni Zarahemla ay nagmula sa Jerusalem sa panahon na si Zedekias, ang hari ng Juda, ay dinalang bihag sa Babilonia. At naglakbay sila sa ilang, at dinala ng kamay ng Panginoon sa kabila ng malalaking tubig, sa lupain kung saan sila natagpuan ni Mosias; at simula noon ay roon na sila nanirahan.
...Ang hilagang lupain ay tinawag na Mulek, na inalinsunod sa anak na lalaki ni Zedekias; sapagkat dinala ng Panginoon si Mulek sa hilagang lupain...
At sa panahong natagpuan sila ni Mosias, labis na ang kanilang idinami. Gayon pa man, nagkaroon na sila ng maraming digmaan at malulubhang alitan, at mga bumagsak sa pamamagitan ng espada sa pana-panahon; at ang kanilang wika ay naging marumi; at wala silang dinalang mga talaan; at itinatwa nila ang pagkatao ng kanilang Lumikha; at si Mosias, ni ang mga tao ni Mosias ay hindi sila maunawaan.
At si Coriantumer ay natagpuan ng mga tao ni Zarahemla; at namuhay siyang kasama nila sa loob ng siyam na buwan.
...May isang malaking bato...na may mga nakaukit...nagbigay-salaysay ang mga ito hinggil sa isang Coriantumer, at sa pagkapatay ng kanyang mga tao.
Masdan, ako si Amaleki, ang anak na lalaki ni Abinadom. Masdan, ako ay mangungusap sa inyo kahit paano hinggil kay Mosias, na siyang ginawang hari sa lupain ng Zarahemla; sapagkat masdan, siya na binigyang-babala ng Panginoon na dapat siyang tumakas palabas ng lupain ng Nephi, at kasindami ng makikinig sa tinig ng Panginoon ay nararapat ding lisanin ang lupain na kasama niya, patungo sa ilang—
At ito ay nangyari na, na ginawa niya ang naaayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon. At nilisan nila ang lupain patungo sa ilang, kasindami ng nakinig sa tinig ng Panginoon; at pinatnubayan sila sa pamamagitan ng maraming pangangaral at pagpopropesiya. At patuloy silang pinaaalalahanan sa pamamagitan ng salita ng Diyos; at inakay sila sa pamamagitan ng lakas ng kanyang bisig, mula sa ilang hanggang sa makarating sila sa lupaing tinatawag na lupain ng Zarahemla.
At natagpuan nila ang isang pangkat ng mga tao, na tinatawag na mga tao ni Zarahemla. Ngayon, nagkaroon ng labis na pagsasaya sa mga tao ni Zarahemla; at labis ding nagalak si Zarahemla, sapagkat isinugo ng Panginoon ang mga tao ni Mosias na dala ang mga laminang tanso na naglalaman ng talaan ng mga Judio. Masdan, ito ay nangyari na, na natuklasan ni Mosias na ang mga tao ni Zarahemla ay nagmula sa Jerusalem...