...Ang mga anak na lalaki ni Zedekias ay...napatay, lahat maliban kay Mulek. Oo, at hindi ba ninyo namamalas na ang mga binhi ni Zedekias ay kasama natin, at sila ay itinaboy palabas ng lupain ng Jerusalem?
...Ang mga tao ni Zarahemla ay nagmula sa Jerusalem sa panahon na si Zedekias, ang hari ng Juda, ay dinalang bihag sa Babilonia. At naglakbay sila sa ilang, at dinala ng kamay ng Panginoon sa kabila ng malalaking tubig, sa lupain kung saan sila natagpuan ni Mosias; [i]2367[/i] at simula noon ay roon na sila nanirahan.
...Ang hilagang lupain ay tinawag na Mulek, na inalinsunod sa anak na lalaki ni Zedekias; sapagkat dinala ng Panginoon si Mulek sa hilagang lupain...