Ngayon ibinigay ni haring Mosias kay Alma ang karapatan sa simbahan.
At ito ay nangyari na, na si haring Mosias ay nagpahintulot kay Alma na magtatag siya ng mga simbahan sa lahat ng dako ng lupain ng Zarahemla; [i]2499[/i] at binigyan siya ng kapangyarihan na makapag-orden ng mga saserdote at guro sa bawat simbahan. [i]2822[/i] [i]1386[/i] Ngayon, ang mga ito ay isinagawa sapagkat napakarami ng mga tao kaya’t silang lahat ay hindi maaaring mapamahalaan ng iisang guro; ni silang lahat ay hindi maaaring makarinig ng salita ng Diyos sa iisang pagtitipon;
Samakatwid, tinipon nila ang kanilang sarili na magkakasama sa iba’t ibang pangkat, tinatawag na mga simbahan; bawat simbahan ay may kani-kanyang mga saserdote at kani-kanyang mga guro, at bawat saserdote ay nangangaral ng salita alinsunod sa pagkakabigay sa kanya ng bibig ni Alma.
At sa gayon, sa kabila ng pagiging marami ng simbahan, ang lahat ng ito ay isang simbahan lamang, oo, maging ang simbahan ng Diyos; sapagkat walang ipinangangaral sa lahat ng simbahan maliban sa pagsisisi at pananampalataya sa Diyos. At ngayon, may pitong simbahan sa lupain ng Zarahemla.
At ito ay nangyari na, na sino man ang nagnanais na taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo, o ng Diyos, sila ay sumapi sa mga simbahan ng Diyos;