Mosiah 27:23–31, Alma 36:23

At ito ay nangyari na, na matapos silang mag-ayuno at manalangin sa loob ng dalawang araw at dalawang gabi, natanggap ng mga biyas ni Alma ang mga lakas nito, [i]2837[/i] at siya ay tumindig at nagsimula siyang mangusap sa kanila, [i]2510[/i] sinabihan silang magkaroon ng lakas ng loob: [i]1403[/i]

Sapagkat, sinabi niya, nagsisi na ako sa aking mga kasalanan, at tinubos ng Panginoon; masdan, isinilang ako sa espiritu. [i]2059[/i] At sinabi sa akin ng Panginoon:

‘Huwag manggilalas na ang buong sangkatauhan, oo, kalalakihan at kababaihan, lahat ng bansa, lahi, wika at tao, ay kinakailangang isilang na muli; oo, isilang sa Diyos, nagbago mula sa makamundo at pagkahulog na kalagayan, tungo sa kalagayan ng kabutihan, na tinubos ng Diyos, naging kanyang mga anak na lalaki at anak na babae; At sa gayon sila naging mga bagong nilikha; at maliban kung kanilang gagawin ito, hindi nila mamamana sa anumang paraan ang kaharian ng Diyos.’

Sinasabi ko sa inyo, maliban sa ito ang maging kalagayan, ay kinakailangan silang itakwil; at ito ay nalalaman ko, sapagkat halos maitakwil ako. Gayon pa man, matapos dumanas ng maraming kahirapan, halos mamatay sa pagsisisi, sa awa ng Panginoon ay minarapat na agawin ako sa walang hanggang pagniningas, at ako ay isinilang sa Diyos.

Ang aking kaluluwa ay natubos [i]2838[/i]
_mula sa kasukdulan ng kapaitan
_at mga gapos ng kasamaan.

Ako ay nasa pinakamadilim na kailaliman noon.

Subalit ngayon namamasdan ko ang kagila-gilalas na liwanag ng Diyos.

Ang aking kaluluwa ay pinahirapan ng walang hanggang parusa;
_subalit ako ay inagaw,
_at ang aking kaluluwa ay hindi na muling nagdusa. [i]2840[/i]

Itinakwil ko ang aking Manunubos, at tinanggihan ang mga yaong sinabi ng ating mga ama; subalit ngayon upang kanilang makini-kinita na siya ay paparito, at na kanyang naaalaala ang lahat ng nilalang na kanyang nilikha; ipakikita niya sa lahat ang kanyang sarili. Oo, ang bawat tuhod ay magsisiluhod, at ang bawat dila ay magtatapat sa kanyang harapan.

Oo, maging sa huling araw, kapag lahat ng tao ay magsisitindig upang hatulan niya, sa panahong yaon kanilang kikilalanin na siya ay Diyos; pagkatapos ay kikilalanin nila, na mga nabubuhay ng walang dini-Diyos sa daigdig, na ang kahatulan ng walang hanggang kaparusahan ay makatwiran para sa kanila; at sila ay mayayanig, at manginginig, at manliliit sa ilalim ng sulyap ng kanyang lubusang mapanuring mata.


Subalit masdan, muling nanumbalik sa aking mga paa ang kanilang lakas, [i]1404[/i] at tumayo ako sa aking mga paa, at ipinahayag sa mga tao na ako ay isinilang sa Diyos. [i]1405[/i]

From section: Ang Paghihimagsik ng Mga Anak ni Alma at Mosias

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary