At ito ay nangyari na, na matapos na maisagawa ni Mosias ang ipinag-utos ng kanyang ama sa kanya, at makagawa ng pagpapahayag sa lahat ng dako ng buong lupain, na magkakasamang tinipon ng mga tao ang kanilang sarili sa lahat ng dako ng buong lupain, [i]1380[/i] nang sila ay makaahon sa templo upang marinig ang mga salitang sasabihin ni haring Benjamin sa kanila. At malaki ang bilang nila, maging sa napakarami kung kaya’t hindi sila mabilang, sapagkat sila ay parami nang parami at lubhang dumami sa lupain.