Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Ang Paghahari ni Benjamin sa Zarahemla

Omni 23

si Mosias ay namatay, ang kanyang anak na si Benjamin ang pumalit sa kanya bilang hari.

...at nabuhay ako hanggang sa masaksihan ko ang kanyang pagpanaw; at si Benjamin, ang kanyang anak na lalaki, ang humalili sa kanyang paghahari.

Omni 24, Mga Salita ni Mormon 12–14

Ang mga Lamanita nagsagawa ng maraming pagtatangkang panghihimasok sa panahon ng paghahari ni Benjamin, subalit siya ay matagumpay sa pagpapanatiling maitaboy sila palabas.

At masdan, aking nakita, sa panahon ni haring Benjamin, ang isang malubhang digmaan at labis na pagdanak ng dugo sa pagitan ng mga Nephita at ng mga Lamanita. Subalit masdan, ang mga Nephita ay nagkaroon ng malaking kalamangan sa kanila; oo, kung kaya’t naitaboy silang palabas ni haring Benjamin sa lupain ng Zarahemla.


At ngayon, hinggil sa haring Benjamin na ito—nagkaroon siya ng mga bahagyang alitan sa sarili niyang mga tao. At ito rin ay nangyari na, na sumalakay ang mga hukbo ng mga Lamanita sa lupain ng Nephi, upang makidigma sa kanyang mga tao.

Subalit masdan, kinalap ni haring Benjamin ang kanyang mga hukbo, at nilabanan niya sila; at lumaban siya sa lakas ng kanyang sariling bisig, sa pamamagitan ng espada ni Laban. At sa lakas ng Panginoon ay nakipaglaban sila sa kanilang mga kaaway, hanggang sa nakapatay sila ng libu-libong mga Lamanita. At ito ay nangyari na, na nakipaglaban sila sa mga Lamanita hanggang sa kanilang maitaboy sila palabas sa lahat ng lupaing kanilang mana.

Mosiah 1:1, Omni 25–26,30, Mga Salita ni Mormon 10

Ang Zarahemla ay nagtatamasa ng panahon ng kapayapaan, at si Amalekias ay inanyayahan ang kanyang mambabasa na lumapit kay Cristo—si Amalekias ngayon ay ipinasa ang mga talaan ng mga Nephita kay haring Benjamin.

At ngayon, wala nang alitan sa buong lupain ng Zarahemla, sa lahat ng taong nabibilang kay haring Benjamin, kung kaya’t si haring Benjamin ay nagkaroon ng patuloy na kapayapaan sa lahat ng nalalabi niyang mga araw.


At ito ay nangyari na, na nagsimula akong tumanda; at, sa kawalan ng binhi, at nalalamang si haring Benjamin ay isang makatarungang tao sa harapan ng Panginoon, kaya nga, ibibigay ko ang mga laminang ito sa kanya, hinihikayat ang lahat ng tao na lumapit sa Diyos, ang Banal ng Israel, at maniwala sa pagpopropesiya, at sa mga paghahayag, at sa paglilingkod ng mga anghel, at sa kaloob na pagsasalita ng mga wika, at sa kaloob na pagpapaliwanag ng mga wika, at sa lahat ng mabuting bagay; sapagkat walang ano mang bagay na mabuti maliban sa ito ay nagmula sa Panginoon: at yaong masama ay nagmumula sa diyablo.

At ngayon, mga minamahal kong kapatid, nais kong lumapit kayo kay Cristo, na siyang Banal ng Israel, at makibahagi sa kanyang kaligtasan, at sa kapangyarihan ng kanyang pagtubos. Oo, lumapit sa kanya, at ialay ang inyong buong kaluluwa bilang handog sa kanya, at magpatuloy sa pag-aayuno at pananalangin, at magtiis hanggang wakas; at yamang buhay ang Panginoon kayo ay maliligtas.


At nalalapit na akong humimlay sa aking libingan; at puno na ang mga laminang ito. At tinatapos ko ang aking pananalita.


Samakatwid, ito ay nangyari na, na matapos ibigay ni Amaleki ang mga laminang ito sa mga kamay ni haring Benjamin, na kanyang kinuha ang mga ito at isinama sa iba pang mga lamina, na naglalaman ng mga talaang pinagpasa-pasahan ng mga hari, sa bawat sali’t salinlahi hanggang sa panahon ni haring Benjamin.

Mga Salita ni Mormon 15–18

Ang mga nagsipagtalikod at mga manunuya ay lumigalig sa mga tao, subalit si Benjamin ay namuno sa katwiran, at nagawa niyang mapanatili ang kapayapaan at ipinangaral ang salita ng Diyos kasama ng ibang mga propeta.

At ito ay nangyari na, na matapos magkaroon ng mga huwad na Cristo, at ang kanilang mga bibig ay itinikom, at sila ay pinarusahan alinsunod sa kanilang mabibigat na kasalanan; At matapos magkaroon ng mga huwad na propeta, at huwad na mangangaral at guro sa mga tao, at lahat sila ay pinarusahan alinsunod sa kanilang mabibigat na kasalanan; at matapos magkaroon ng maraming alitan at maraming pagtalikod patungo sa mga Lamanita, masdan, ito ay nangyari na, na si haring Benjamin, sa tulong ng mga banal na propeta na nasa kanyang mga tao—

Sapagkat masdan, si haring Benjamin ay isang banal na tao, at namahala siya sa kanyang mga tao sa katwiran; at maraming banal na tao sa lupain, at nangusap sila ng salita ng Diyos nang may kapangyarihan at karapatan; at gumamit sila ng katalasan dahil sa katigasan ng leeg ng mga tao—

Dahil dito, sa tulong nila, si haring Benjamin, sa pamamagitan ng paggawa nang buong lakas ng kanyang katawan at ng pandama ng kanyang buong kaluluwa, at gayon din ang mga propeta, ay muling nakapagtatag ng kapayapaan sa lupain.

Mosiah 1:2

Si Benjamin ay may tatlong anak na lalaki: si Mosias, Helorum, at Helaman—inaralan niya sila ng mabuti, at tinuruan sila tungkol sa mga propesiya ng kanilang mga ninuno.

At ito ay nangyari na, na siya ay nagkaroon ng tatlong anak na lalaki; at tinawag niya ang kanilang mga pangalang Mosias, at Helorum, at Helaman. At kanyang pinaturuan sila ng lahat ng wika ng kanyang mga ama, nang sa gayon sila ay maging mga lalaking may pang-unawa; at upang kanilang malaman ang hinggil sa mga propesiyang sinabi ng mga bibig ng kanilang mga ama, na ibinigay sa kanila ng kamay ng Panginoon.

Mosiah 1:3–8

Tinuruan ni Benjamin ang kanyang mga anak na lalaki mula sa mga laminang tanso, at binigyang-diin ang kahalagahan ng mga banal na kasulatan sa espirituwal na kapakanan ng lipunan.

At kanya ring itinuro sa kanila ang hinggil sa mga talaang nauukit sa mga laminang tanso, sinasabing:

At marami pang bagay ang itinuro ni haring Benjamin sa kanyang mga anak, na hindi nasusulat sa aklat na ito.

Mosiah 1:9–14

Si Benjamin ay tumanda, at hiniling niya sa kanyang anak na si Mosias na magpadala ng pahayag sa buong lupain, na humihiling sa mga tao na magtipong sama-sama, nang sa gayon ay si Benjamin ay makapagsalita sa kanila.

At ito ay nangyari na, nang matapos si haring Benjamin ng pagtuturo sa kanyang mga anak, na tumanda na siya, at kanyang nadama na siya ay nalalapit nang yumaon ng lakad ng buong lupa; samakatwid, inakala niyang kinakailangan na niyang igawad ang kaharian sa isa sa kanyang mga anak. Kaya nga, ipinatawag niya sa kanyang harapan si Mosias; at ito ang mga salitang sinabi niya sa kanya, sinasabing:

Mosiah 1:15

Nagtagubilin si Benjamin kay Mosias hinggil sa mga responsibilidad ng paghahari.

At ito ay nangyari na, nang matapos si haring Benjamin sa pagsasalitang ito sa kanyang anak, na kanyang binigyan siya ng tagubilin hinggil sa lahat ng gawain sa kaharian.

Mosiah 1:16

Pagkatapos ay ibinigay ni Benjamin kay Mosias ang mga lamina ni Nephi, ang mga laminang tanso, ang espada ni Laban, at ang Liyahona.

At bukod doon, kanyang binigyan din siya ng tagubilin hinggil sa mga talaang nauukit sa mga laminang tanso; at sa mga lamina rin ni Nephi; at gayon din, sa espada ni Laban, at sa bola o aguhon, na pumatnubay sa ating mga ama sa ilang, na inihanda ng kamay ng Panginoon nang sa gayon sila ay mapatnubayan, bawat isa alinsunod sa pakikinig at pagsusumigasig na kanilang ibinibigay sa kanya.

Mosiah 1:18

Isinakatuparan ni Mosias ang hiling ng kanyang ama at nagpadala ng pahayag.

At ngayon, ito ay nangyari na, na humayo at ginawa ni Mosias ang ipinag-utos sa kanya ng kanyang ama, at nagpahayag sa lahat ng tao na nasa lupain ng Zarahemla nang sa gayon ay sama-samang matipon nila ang kanilang sarili, upang umahon sa templo nang mapakinggan ang mga salitang sasabihin ng kanyang ama sa kanila.

Mosiah 2:1–2

Bilang tugon sa pahayag, ang mga tao ng Zarahemla at nagtipon sa templo.

At ito ay nangyari na, na matapos na maisagawa ni Mosias ang ipinag-utos ng kanyang ama sa kanya, at makagawa ng pagpapahayag sa lahat ng dako ng buong lupain, na magkakasamang tinipon ng mga tao ang kanilang sarili sa lahat ng dako ng buong lupain, nang sila ay makaahon sa templo upang marinig ang mga salitang sasabihin ni haring Benjamin sa kanila. At malaki ang bilang nila, maging sa napakarami kung kaya’t hindi sila mabilang, sapagkat sila ay parami nang parami at lubhang dumami sa lupain.

Mosiah 2:3–4

Ang mga tao ay nagdala ng mga sakripisyo na maihahain bilang tanda ng pasasalamat sa Diyos.

At kanila ring dinala ang mga unang anak ng kanilang mga kawan, upang sila ay makapag-alay ng hain at mga handog na susunugin alinsunod sa mga batas ni Moises. At gayundin upang sila ay makapagbigay-pasalamat sa Panginoon nilang Diyos na nagdala sa kanila palabas ng lupain ng Jerusalem, at nagligtas sa kanila mula sa kamay ng kanilang mga kaaway, at humirang ng mga makatarungang tao na kanilang maging mga guro, at gayundin ng isang makatarungang tao na kanilang maging hari, na siyang nagtatag ng kapayapaan sa lupain ng Zarahemla, at nagturo sa kanilang sundin ang mga kautusan ng Diyos, upang sila ay magsaya at mapuspos ng pag-ibig sa Diyos at sa lahat ng tao.

Mosiah 2:5–7

Itinayo ng mga pamilya ang kanilang mga tolda sa labas ng templo upang makinig kay Benjamin.

At ito ay nangyari na, nang sila ay dumating sa templo, itinayo nila ang kanilang mga tolda sa palibot, bawat lalaki alinsunod sa kanyang mag-anak, na binubuo ng kanyang asawa, at kanyang mga anak na lalaki, at kanyang mga anak na babae, at kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, bawat mag-anak ay nakabukod mula sa isa’t isa.

At itinayo nila ang kanilang mga tolda sa palibot ng templo, bawat tao ay iniharap sa templo ang pintuan ng kanilang tolda, nang sa gayon sila ay makapanatili sa kanilang mga tolda at marinig ang mga salitang sasabihin ni haring Benjamin sa kanila; Sapagkat lubhang napakaraming tao kung kaya’t hindi sila kayang maturuang lahat ni haring Benjamin sa loob ng mga pader ng templo, kaya nga pinapangyari niyang magtayo ng isang tore,0 nang sa gayon ay marinig ng kanyang mga tao ang mga salitang kanyang sasabihin sa kanila.

Mosiah 2:8

Dahil sa malaking bilang ng mga dumalo, hindi lahat ay maaaring makarinig, kaya ipinag-utos ni Benjamin na ang kaniyang mga salita ay maisulat at agad na maibahagi sa mga naroroon.

At ito ay nangyari na, na siya ay nagsimulang magsalita sa kanyang mga tao mula sa tore; at hindi nila marinig na lahat ang kanyang mga salita dahil sa dami ng mga tao; kaya nga pinapangyari niya na ang mga salitang kanyang sinabi ay isulat at ipadala sa mga yaong di naabot ng kanyang tinig, upang sila rin ay makatanggap ng kanyang mga salita.

Mosiah 6:1–2

Isinulat ni Benjamin ang mga pangalan ng lahat ng yaong nakipagtipan.

At ngayon, inakala ni haring Benjamin na kapaki-pakinabang, matapos mangusap sa mga tao, na kunin niya ang pangalan ng lahat ng yaong nakipagtipan sa Diyos na susundin ang kanyang mga kautusan. At ito ay nangyari na, na wala kahit isang kaluluwa, maliban sa maliliit na bata, ang hindi nakipagtipan at tinaglay sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo.