At bukod doon, bibigyan ko ng pangalan ang mga taong ito, nang sa gayon sila ay makilala nang higit sa lahat ng tao na inilabas ng Panginoong Diyos sa lupain ng Jerusalem; at gagawin ko ito sapagkat sila ay naging masisigasig na tao sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon. At aking ibibigay sa kanila ang isang pangalan na kailanman ay hindi mabubura, maliban na lamang kung dahil sa kasalanan.