O aking mga anak, nais kong inyong pakatandaan na ang mga salitang ito ay totoo, at na ang mga talaang ito ay totoo rin. At masdan, maging ang mga lamina ni Nephi, na naglalaman ng mga talaan at ng mga salita ng ating mga ama mula sa panahong nilisan nila ang Jerusalem hanggang sa ngayon, at ang mga ito ay totoo; at nalalaman natin ang kanilang katiyakan sapagkat namamalas ang mga ito ng ating mga mata.