Sinasabi ko sa inyo, aking mga anak, kung hindi dahil sa mga bagay na ito, na naingatan at napangalagaan ng kamay ng Diyos, upang ating mabasa at maunawaan ang kanyang mga hiwaga, at panatilihin tuwina ang kanyang mga kautusan sa harapan ng ating mga mata, na maging ang ating mga ama ay nanghina marahil sa kawalang-paniniwala, at marahil tayo ay natulad na rin sa ating mga kapatid, ang mga Lamanita, na walang nalalaman hinggil sa mga bagay na ito, o maging sa hindi maniniwala sa mga yaon kapag itinuro ang mga yaon sa kanila, dahil sa mga kaugalian ng kanilang mga ama, na hindi tama.