[Mosiah 1:3–8] Kahalagahan ng pagkakaroon ng talaan

Aking mga anak, nais kong inyong pakatandaan na kung hindi sa mga laminang ito, na naglalaman ng mga talaan at kautusang ito, nagdusa na marahil tayo sa kamangmangan, maging hanggang sa ngayon, hindi nalalaman ang mga hiwaga ng Diyos.

Sapagkat hindi maaari na ang ating ama, si Lehi, ay maalaala ang lahat ng bagay na ito, upang maituro ang mga yaon sa kanyang mga anak, kung hindi dahil sa tulong ng mga laminang ito; sapagkat siya na naturuan sa wika ng mga taga-Egipto kaya nga magagawa niyang basahin ang mga nakaukit na ito, at ituro ang mga yaon sa kanyang mga anak, nang sa gayon ay maituro nila ang mga yaon sa kanilang mga anak, at sa gayon naisasakatuparan ang mga kautusan ng Diyos, maging hanggang sa ngayon.

From section: Ang Paghahari ni Benjamin sa Zarahemla

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary