At ngayon, wala nang alitan sa buong lupain ng Zarahemla, sa lahat ng taong nabibilang kay haring Benjamin, kung kaya’t si haring Benjamin ay nagkaroon ng patuloy na kapayapaan sa lahat ng nalalabi niyang mga araw. [i]2378[/i]
At ito ay nangyari na, na nagsimula akong tumanda; [i]2376[/i] at, sa kawalan ng binhi, at nalalamang si haring Benjamin ay isang makatarungang tao sa harapan ng Panginoon, kaya nga, ibibigay ko ang mga laminang ito sa kanya, [i]2375[/i] hinihikayat ang lahat ng tao na lumapit sa Diyos, ang Banal ng Israel, at maniwala sa pagpopropesiya, at sa mga paghahayag, at sa paglilingkod ng mga anghel, at sa kaloob na pagsasalita ng mga wika, at sa kaloob na pagpapaliwanag ng mga wika, at sa lahat ng mabuting bagay; sapagkat walang ano mang bagay na mabuti maliban sa ito ay nagmula sa Panginoon: at yaong masama ay nagmumula sa diyablo.
At ngayon, mga minamahal kong kapatid, nais kong lumapit kayo kay Cristo, na siyang Banal ng Israel, at makibahagi sa kanyang kaligtasan, at sa kapangyarihan ng kanyang pagtubos. Oo, lumapit sa kanya, at ialay ang inyong buong kaluluwa bilang handog sa kanya, at magpatuloy sa pag-aayuno at pananalangin, at magtiis hanggang wakas; at yamang buhay ang Panginoon kayo ay maliligtas.
At nalalapit na akong humimlay sa aking libingan; at puno na ang mga laminang ito. At tinatapos ko ang aking pananalita.
Samakatwid, ito ay nangyari na, na matapos ibigay ni Amaleki ang mga laminang ito sa mga kamay ni haring Benjamin, na kanyang kinuha ang mga ito at isinama sa iba pang mga lamina, na naglalaman ng mga talaang pinagpasa-pasahan ng mga hari, [i]2744[/i] sa bawat sali’t salinlahi hanggang sa panahon ni haring Benjamin.