Mosiah 27:18–19, Alma 36:11,10

At ngayon, si Alma at ang yaong mga kasama niya ay muling nalugmok sa lupa, sapagkat labis ang kanilang panggigilalas; [i]2832[/i] sapagkat sa pamamagitan ng kanilang sariling mga mata sila ay nakamalas ng isang anghel ng Panginoon; at ang kanyang tinig ay tulad ng kulog, na yumanig sa lupa; at alam nila na walang anumang bagay maliban sa kapangyarihan ng Diyos ang makapagpapayanig sa lupa at nagawa itong payanigin na parang ito ay mabibiyak. At ngayon, labis ang panggigilalas ni Alma kaya’t siya ay napipi, na hindi niya maibuka ang kanyang bibig; oo, at siya ay nanghina, maging sa hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay;


...sapagkat nang marinig ko ang mga salitang—Kung ikaw sa iyong sarili ay mamamatay, huwag nang hangarin pang wasakin ang simbahan ng Diyos—ako ay nakadama ng malaking takot at panggigilalas na baka ako’y mamatay, kung kaya’t ako ay nalugmok sa lupa at wala na akong narinig pa.


At ito ay nangyari na, na ako ay nalugmok sa lupa; [i]2833[/i] at ito ay sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi na hindi ko naibuka ang aking bibig, ni ang nagamit ko ang aking mga paa. [i]1398[/i]

From section: Ang Paghihimagsik ng Mga Anak ni Alma at Mosias

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary