Mosiah 27:8–9, 34

Ngayon, ang mga anak na lalaki ni Mosias ay nabibilang sa mga hindi naniniwala; [i]2826[/i] at gayon din, ang isa sa mga anak na lalaki ni Alma ay nabilang sa kanila, [i]2505[/i] siya na tinatawag na Alma alinsunod sa kanyang ama; gayon pa man, siya ay naging napakasama at isang lalaking sumasamba sa mga diyus-diyusan. [i]1388[/i] At siya ay isang lalaking bihasa sa pananalita, [i]2825[/i] at nangusap siya ng maraming panghihibok sa mga tao; anupa’t naakay niya ang marami sa mga tao na gumawa alinsunod sa uri ng kanyang mga kasamaan. [i]1389[/i] At siya ay naging isang malaking sagabal sa kaunlaran ng simbahan ng Diyos; inaakay papalayo ang mga puso ng mga tao; nagiging dahilan ng maraming pagtatalo sa mga tao; nagbibigay ng pagkakataon sa kaaway ng Diyos na magamit ang kanyang kapangyarihan sa kanila.


At apat sa kanila ang mga anak na lalaki ni Mosias; at ang kanilang mga pangalan ay Ammon, at Aaron, at Omner, at Himni; ito ang mga pangalan ng mga anak ni Mosias.

From section: Ang Paghihimagsik ng Mga Anak ni Alma at Mosias

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary