Samakatwid kinuha niya ang mga talaang nauukit sa mga laminang tanso, at gayon din ang mga lamina ni Nephi, at lahat ng bagay na kanyang iningatan at pinangalagaan alinsunod sa mga kautusan ng Diyos, [i]2518[/i]
At ngayon, tulad ng nasabi ko na sa inyo, na matapos gawin ni haring Mosias ang mga bagay na ito, kanyang kinuha ang mga laminang tanso, at lahat ng bagay na kanyang iningatan, at iginawad ang mga ito kay Alma, na anak ni Alma; oo, lahat ng talaan, [i]2515[/i] at gayon din ang mga pansalin, at iginawad ang mga ito sa kanya, at inutusan siya na nararapat niyang ingatan at pangalagaan ang mga ito, at mag-ingat din ng isang talaan ng mga tao, na ipasa-pasa ang mga ito sa bawat sali’t salinlahi, maging tulad ng pagpapasa-pasa ng mga ito mula sa panahong nilisan ni Lehi ang Jerusalem.