Mosiah 25:5–6

At ito ay nangyari na, na si Mosias ay nagbasa, at pinayagang basahin ang mga talaan ni Zenif sa kanyang mga tao; oo, kanyang binasa ang mga talaan ng mga tao ni Zenif, mula sa panahong nilisan nila ang lupain ng Zarahemla hanggang sa sila ay makabalik na muli. At kanya ring binasa ang ulat ni Alma at ng kanyang mga kapatid, at lahat ng kanilang mga paghihirap, mula sa panahong nilisan nila ang lupain ng Zarahemla hanggang sa panahong sila ay makabalik na muli.

From section: Ang Mga Karagdagang Tao ay Isinama sa Zarahemla

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary