Mosiah 25:1–4

At ngayon pinapangyari ni haring Mosias na ang lahat ng tao ay tipuning magkakasama.

Ngayon, hindi gaanong marami ang mga anak ni Nephi, o hindi gaanong marami yaong mga inapo ni Nephi, na tulad ng mga tao ni Zarahemla, na mga inapo ni Mulek, at yaong mga sumama sa kanya sa ilang. At hindi gaanong marami ang mga tao ni Nephi at ang mga tao ni Zarahemla tulad ng mga Lamanita; oo, sila ay wala sa kalahati ng kanilang dami.

At ngayon, ang lahat ng tao ni Nephi ay nagtipong magkakasama, at gayon din ang lahat ng tao ni Zarahemla, at sila ay tinipong magkakasama sa dalawang pangkat.

From section: Ang Mga Karagdagang Tao ay Isinama sa Zarahemla

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary