Mosiah 25:7–11

At ngayon, nang si Mosias ay matapos sa pagbabasa ng mga talaan, ang kanyang mga tao na naninirahan sa lupain ay nakadama ng pagkamangha at panggigilalas. Sapagkat hindi nila malaman kung ano ang iisipin; sapagkat nang kanilang namasdan ang yaong mga nakalaya mula sa pagkaalipin sila ay napuspos ng labis na kagalakan.

At muli, nang maalaala nila ang kanilang mga kapatid na napatay ng mga Lamanita sila ay napuspos ng kalungkutan, at tunay na umagos ang maraming luha ng kalungkutan. At muli, nang maisip nila ang kagyat na kabutihan ng Diyos, at kanyang kapangyarihan sa pagpapalaya kay Alma at sa kanyang mga kapatid mula sa mga kamay ng mga Lamanita at mula sa pagkaalipin, inilakas nila ang kanilang mga tinig at nagbigay-pasalamat sa Diyos.

At muli, nang maisip nila ang mga Lamanita, na kanilang mga kapatid, sa kanilang makasalanan at maruming kalagayan, napuspos sila ng sakit at dalamhati para sa kapakanan ng kanilang mga kaluluwa.

From section: Ang Mga Karagdagang Tao ay Isinama sa Zarahemla

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary