Ngayon, wala pang nangyayaring gayong bagay sa simbahan; kaya nga, si Alma ay naligalig sa kanyang espiritu, at kanyang pinapangyari na sila ay dalhin sa harapan ng hari. At sinabi niya sa hari:
Masdan, narito ang marami na aming dinala sa inyong harapan, na pinararatangan ng kanilang mga kapatid; oo, dinakip sila sa iba’t ibang kasalanan. At sila ay hindi nagsisisi ng kanilang mga kasamaan; kaya nga dinala namin sila sa inyong harapan, upang inyo silang hatulan alinsunod sa kanilang mabibigat na kasalanan.