Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Ang Paghahari ni Mosias sa Zarahemla

Mosiah 6:3

Si Mosias ay itinalaga na maging hari.

At muli, ito ay nangyari na, nang si haring Benjamin ay makatapos sa lahat ng bagay na ito, at itinalaga ang kanyang anak na si Mosias na maging tagapamahala at hari ng kanyang mga tao, at ibinigay sa kanya ang lahat ng pananagutan hinggil sa kaharian, at naghirang din ng mga saserdote upang turuan ang mga tao, nang sa gayon maaari nilang marinig at malaman ang mga kautusan ng Diyos, at upang pukawin sila sa pag-alaala ng sumpang kanilang ginawa, pinauwi na niya ang maraming tao, at sila ay nagsiuwi, bawat isa, alinsunod sa kanilang mga mag-anak, sa kani-kanilang tahanan.

Mosiah 6:4

Kinuha ni Mosias ang trono.

At si Mosias ay nagsimulang mamahala bilang kahalili ng kanyang ama. At nagsimula siyang mamahala sa ikatatlumpung taon ng kanyang gulang, gumagawa ng kabuuan nang, mga apat na raan at pitumpu at anim na taon mula sa panahong lisanin ni Lehi ang Jerusalem.

Mosiah 6:5

Si Benjamin ay namatay.

At si haring Benjamin ay nabuhay ng tatlo pang taon at siya ay namatay.

Mosiah 6:6–7

Si Mosias ay naghari sa katwiran at umunlad.

At ito ay nangyari na, na si haring Mosias ay lumakad sa mga landas ng Panginoon, at sinunod ang kanyang mga paghuhukom at kanyang mga batas, at sinunod ang kanyang mga kautusan sa lahat ng bagay na ipinag-uutos sa kanya. At ipinabungkal ni haring Mosias ang lupa sa kanyang mga tao. At siya rin, ay nagbungkal ng lupa, nang sa gayon siya ay hindi maging pabigat sa kanyang mga tao, upang magawa niya ang naaalinsunod sa ginawa ng kanyang ama sa lahat ng bagay. At walang ano mang alitang nangyari sa kanyang mga tao sa loob ng tatlong taon.

Mosiah 7:1–3

Si Mosias ay nagpadala ng isang pangkat ng mananaliksik (na kinabibilangan ng 16 na mga lalaki, na pinamumunuan ng isang lalaking nagngangalang Amon) upang hagilapin ang pangkat ng mga taong lumisan para sa lupain ng Nephi kamakailan lang.

At ngayon, ito ay nangyari na, na matapos makatamasa si haring Mosias ng patuloy na kapayapaan sa loob ng tatlong taon, nagnais siyang malaman ang hinggil sa mga taong umahon upang manirahan sa lupain ng Lehi-Nephi, o sa lunsod ng Lehi-Nephi; sapagkat ang kanyang mga tao ay walang anumang nabalitaan hinggil sa kanila mula pa noong panahong umalis sila sa lupain ng Zarahemla; samakatwid, binagabag siya ng kanilang mga panliligalig.

At ito ay nangyari na, na pinahintulutan ni haring Mosias na umahon ang labing-anim sa kanilang malalakas na kalalakihan sa lupain ng Lehi-Nephi, upang magsiyasat hinggil sa kanilang mga kapatid. At ito ay nangyari na, na nagsimula silang umahon kinabukasan, kasama nila ang isang Ammon, siya na isang malakas at magiting na lalaki, at isang inapo ni Zarahemla; at siya rin ang kanilang pinuno.