Mosiah 7:1–3

At ngayon, ito ay nangyari na, na matapos makatamasa si haring Mosias ng patuloy na kapayapaan sa loob ng tatlong taon, nagnais siyang malaman ang hinggil sa mga taong umahon upang manirahan sa lupain ng Lehi-Nephi, o sa lunsod ng Lehi-Nephi; sapagkat ang kanyang mga tao ay walang anumang nabalitaan hinggil sa kanila mula pa noong panahong umalis sila sa lupain ng Zarahemla; samakatwid, binagabag siya ng kanilang mga panliligalig.

At ito ay nangyari na, na pinahintulutan ni haring Mosias na umahon ang labing-anim sa kanilang malalakas na kalalakihan sa lupain ng Lehi-Nephi, upang magsiyasat hinggil sa kanilang mga kapatid. At ito ay nangyari na, na nagsimula silang umahon kinabukasan, kasama nila ang isang Ammon, siya na isang malakas at magiting na lalaki, [i]2402[/i] at isang inapo ni Zarahemla; at siya rin ang kanilang pinuno.

From section: Ang Paghahari ni Mosias sa Zarahemla

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary