Mosiah 6:6–7

At ito ay nangyari na, na si haring Mosias ay lumakad sa mga landas ng Panginoon, at sinunod ang kanyang mga paghuhukom at kanyang mga batas, at sinunod ang kanyang mga kautusan sa lahat ng bagay na ipinag-uutos sa kanya. At ipinabungkal ni haring Mosias ang lupa sa kanyang mga tao. At siya rin, ay nagbungkal ng lupa, [i]2401[/i] nang sa gayon siya ay hindi maging pabigat sa kanyang mga tao, upang magawa niya ang naaalinsunod sa ginawa ng kanyang ama sa lahat ng bagay. At walang ano mang alitang nangyari sa kanyang mga tao sa loob ng tatlong taon. [i]1383[/i]

From section: Ang Paghahari ni Mosias sa Zarahemla

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary