Samakatwid, si haring Mosias ay muling nagpasabi sa mga tao; oo, maging isang nasusulat na salita ang kanyang ipinadala sa mga tao. At ito ang mga salitang nasusulat, sinasabing:
[quote]4becc7803c992[/quote]
At marami pang bagay ang isinulat sa kanila ni haring Mosias, inilalahad sa kanila ang lahat ng pagsubok at suliranin ng isang mabuting hari, oo, lahat ng paghihirap ng kaluluwa para sa kanilang mga tao, at gayon din ang lahat ng pagbulung-bulong ng mga tao sa kanilang hari; at ipinaliwanag niya ang lahat ng ito sa kanila.
At kanyang sinabi sa kanila na hindi nararapat mangyari ang mga bagay na ito; kundi ang pasanin ay mapasalahat ng tao, upang dalhin ng bawat tao ang kanyang gawa.
At kanya ring inilahad sa kanila ang lahat ng kasahulang dinanas nila, sa pagkakaroon ng isang masamang hari na mamahala sa kanila; Oo, lahat ng kanyang kasamaan at mga karumal-dumal na gawain, at lahat ng digmaan, at mga alitan, at pagdanak ng dugo, at ang pagnanakaw, at ang pandarambong, at ang paggawa ng mga pagpapatutot, at lahat ng uri ng kasamaan na hindi maaaring isa-isahin—sinasabi sa kanila na ang mga bagay na ito ay hindi nararapat mangyari, na ang mga ito ay tahasang sumasalungat sa mga kautusan ng Diyos.