[Mosiah 29:4–36] Mga Hari at mga Samahan

Masdan, O kayong mga tao ko, o aking mga kapatid, sapagkat itinuturing ko kayong gayon, nais kong inyong isaalang-alang ang dahilan kung saan tinawag kayo na magsaalang-alang—sapagkat kayo ay nagnanais na magkaroon ng isang hari. Ngayon aking ipinahahayag sa inyo na tumanggi ang siyang may karapatang magmay-ari ng kaharian, at hindi niya tatanggapin ang kaharian.

At ngayon kung maghirang nang iba na kahalili niya, masdan, natatakot akong baka pagmulan ito ng mga alitan sa inyo. At sino ang makaaalam na ang aking anak, na siyang may karapatang magmay-ari ng kaharian, ay magsimulang magalit at mayakag ang bahagi ng mga taong ito, na magiging dahilan ng mga digmaan at alitan sa inyo, na magiging dahilan ng pagdanak ng maraming dugo at pagliligaw sa landas ng Panginoon, oo, at wasakin ang kaluluwa ng maraming tao.

From section: Pagpapanibago ng Pamamamahala

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary