[Mosiah 29:4–36] Epekto ng masamang pamumuno

Ngayon sinasabi ko sa inyo na tayo ay maging matalino at isaalang-alang ang mga bagay na ito, sapagkat wala tayong karapatang wasakin ang aking anak, ni ang may karapatan tayong wasakin ang iba kung siya ang hihiranging kahalili niya. At kung ang aking anak ay muling magbalik sa kanyang kapalaluan at sa mga bagay na walang kabuluhan ay babawiin niya ang mga bagay na kanyang nasabi na, at aangkinin ang kanyang karapatan sa kaharian, na magiging dahilan upang makagawa siya at ang mga tao ring ito ng maraming kasalanan. At ngayon, tayo ay maging matalino at asahan natin ang mga bagay na ito, at gawin ang yaong makapapayapa sa mga taong ito.

From section: Pagpapanibago ng Pamamamahala

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary