[Mosiah 29:4–36] Hukom bilang isang alternatibo

Kaya nga, ako ang inyong magiging hari sa mga nalalabi ko pang mga araw; gayon pa man, tayo ay maghirang ng mga hukom, upang hatulan ang mga taong ito alinsunod sa ating batas; at muli nating isasaayos ang mga gawain ng mga taong ito, sapagkat maghihirang tayo ng matatalinong tao na maging mga hukom, na hahatol sa mga taong ito alinsunod sa mga kautusan ng Diyos. Ngayon, higit na mabuti na ang isang tao ay hatulan ng Diyos kaysa ng tao, sapagkat ang mga kahatulan ng Diyos ay laging makatarungan, subalit ang mga kahatulan ng tao ay hindi laging makatarungan.

Sa gayon, kung maaaring magkaroon kayo ng mga makatarungang tao na maging mga hari ninyo, na magpapatibay sa mga batas ng Diyos, at hahatulan ang mga taong ito alinsunod sa kanyang mga kautusan, oo, kung maaari kayong magkaroon ng mga tao na maging mga hari ninyo na gagawa ng tulad ng aking amang si Benjamin para sa mga taong ito—sinasabi ko sa inyo, kung maaari na laging ganito ang pangyayari, kung gayon ay kapaki-pakinabang na lagi kayong magkaroon ng mga haring mamamahala sa inyo.

From section: Pagpapanibago ng Pamamamahala

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary