[Mosiah 26:14–32] Binabasbasan si Alma at ang kanyang mga tao.

Pinagpala ka, Alma, at pinagpala sila
_na mga nabinyagan sa mga tubig ng Mormon.

Pinagpala ka dahil sa iyong labis na pananampalataya
_sa mga salita lamang ng aking tagapaglingkod na si Abinadi.

At pinagpala sila dahil sa kanilang labis
_na pananampalataya sa mga salita lamang
_na iyong sinabi sa kanila.

At pinagpala ka dahil sa nagtatag ka
_ng simbahan sa mga taong ito;
_at sila ay kikilalanin,
_at sila ay magiging mga tao ko.

Oo, pinagpala ang mga taong ito
_na nakahandang taglayin ang aking pangalan;
_sapagkat sa aking pangalan sila ay tatawagin;
_at sila ay akin.

From section: Paguusig Para sa Simbahan

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary