At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nangusap sa akin, sinasabing:
Pinagpala ka, Nephi, dahil sa iyong pananampalataya,
sapagkat hinanap mo ako nang buong pagsisikap,
nang may kapakumbabaan ng puso.At habang
sinusunod mo ang aking mga kautusan,
ikaw ay uunlad,
at aakayin sa isang lupang pangako;Oo, maging sa isang lupaing aking inihanda para sa iyo;
Oo, isang lupaing pinili nang higit sa lahat ng iba pang lupain.
At habang ang iyong mga kapatid
ay naghihimagsik laban sa iyo,
sila ay itatakwil mula sa harapan ng Panginoon.At habang sinusunod mo ang aking mga kautusan,
ikaw ay gagawing isang pinuno at isang guro sa iyong mga kapatid.
Sapagkat masdan,
sa araw na yaon na sila ay maghimagsik laban sa akin,
susumpain ko sila maging ng isang masidhing sumpa,
at hindi sila magkakaroon ng kapangyarihan sa iyong mga binhi
maliban kung sila ay maghimagsik din laban sa akin.At kung mangyayari na sila ay maghimagsik laban sa akin,
sila ay magiging isang pahirap sa iyong mga binhi,
upang pukawin sila sa mga landas ng pag-alaala.