1 Nephi 2:19–24

At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nangusap sa akin, sinasabing: [i]2089[/i]

Pinagpala ka, Nephi, [i]2633[/i] dahil sa iyong pananampalataya,
_sapagkat hinanap mo ako nang buong pagsisikap,
_nang may kapakumbabaan ng puso.

At habang
_sinusunod mo ang aking mga kautusan,
_ikaw ay uunlad,
_at aakayin sa isang lupang pangako;

Oo, maging sa isang lupaing aking inihanda para sa iyo;

Oo, isang lupaing pinili nang higit sa lahat ng iba pang lupain.

At habang ang iyong mga kapatid
_ay naghihimagsik laban sa iyo,
_sila ay itatakwil mula sa harapan ng Panginoon.

At habang sinusunod mo ang aking mga kautusan,

_ikaw ay gagawing isang pinuno at isang guro sa iyong mga kapatid.

Sapagkat masdan,
_sa araw na yaon na sila ay maghimagsik laban sa akin,
_susumpain ko sila maging ng isang masidhing sumpa,
_at hindi sila magkakaroon ng kapangyarihan sa iyong mga binhi
_maliban kung sila ay maghimagsik din laban sa akin.

At kung mangyayari na sila ay maghimagsik laban sa akin,
_sila ay magiging isang pahirap sa iyong mga binhi,
_upang pukawin sila sa mga landas ng pag-alaala.

From section: Ang Paglikas Mula sa Jerusalem

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary