Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Ang Katawagan ni Lehi Bilang Propeta

1 Nephi 1:4
Sa panahon ng paghahari ni Zedekias, ang ilang bilang ng mga propeta ay sumulpot, at binalaan ang mga tao sa napipintong pagkawasak ng Jerusalem.
1 Nephi 1:5
Si Lehi, isang tao na naninirahan sa Jerusalem sa oras na iyon, ay nanalangin sa Diyos sa kapakanan ng mga mamamayan ng Jerusalem.
1 Nephi 1:6
Ang isang haligi ng apoy ay naghatid ng isang kamangha-manghang makalangit na manipestasyon na nag-iwan kay Lehi na puspos at liglig.
1 Nephi 1:7
Napatakbo pauwi ng bahay si Lehi upang makabawi mula sa kanyang karanasan.
1 Nephi 1:8
Habang nakahiga sa kanyang kama, si Lehi ay nabalutan ng isang pangitain.
1 Nephi 1:8–10
Nakita ni Lehi ang Diyos, ang mga anghel, si Hesus, at ang labindalawang apostol.
1 Nephi 1:11–13
Binigyan ni Hesus si Lehi ng isang aklat, na nagpapatibay sa pagkawasak ng Jerusalem sa hinaharap at pananakop ng Babilonya.
1 Nephi 1:14–15
Pinapurihan ni Lehi ang Panginoon.
1 Nephi 1:18
Ngayong naging isa nang propeta, si Lehi ay humayo at sinabi sa mga mamamayan ang nilalaman ng kanyang pangitain.
1 Nephi 1:19–20
Hindi tinanggap ng mga tao si Lehi, lalo na ang kanyang pagtawag tungo sa pagsisisi; tinangka nilang siya ay patayin.

Ang Paglikas Mula sa Jerusalem

1 Nephi 2:1–2
Binalaan ng Diyos si Lehi sa isang panaginip na umalis sa Jerusalem, upang takasan ang mga banta sa buhay laban sa kanya.
1 Nephi 2:3–5
Si Lehi ay sumunod, umalis sa Jerusalem kasama ng kanyang pamilya, at naglakbay sa kahabaan ng Dagat na Pula.
1 Nephi 2:6–7, 15, 10:16, 16:6, 9:1
Si Lehi at ang kanyang pamilya ay nanirahan sa isang lugar na kanilang tinawag na lambak ng Lemuel; gumawa sila ng kampo, bumuo ng isang altar, at sumamba sa Diyos.
1 Nephi 2:11–13
Dalawang pinakamatandang anak na lalaki ni Lehi, si Laman at Lemuel, ay nagreklamo, at hindi naniwala sa mga salita ng kanilang ama.
1 Nephi 2:8–10, 14
Si Lehi, habang pinapansin ang tanawin, ay nagpayo sa kanyang pinakamatatandang mga anak na lalaki, si Laman at Lemuel, na itigil ang pagrereklamo at magtiwala sa Diyos.
1 Nephi 2:14
Si Laman at Lemuel ay Lubhang natinag ng mga salita ng kanilang ama, at sinunod siya.
1 Nephi 2:16
Si Nephi, nang marinig ang sinabi ng kanyang ama, ay nanalangin tungkol dito.
1 Nephi 2:16
Ang Katotohanan ng mga salita ni Lehi ay napagtibay sa puso ni Nephi.
1 Nephi 2:17–18
Ibinahagi ni Nephi ang kanyang karanasan sa kanyang kapatid na si Sam, na siyang naniwala, at kay Laman at Lemuel, na mga hindi naniwala.
1 Nephi 2:19–24
Si Nephi ay nakatanggap ng isang paghahayag na tumitiyak sa kanyang pagpapala na nagmumula sa pagsunod sa mga utos ng Diyos; Sinabihan siya na siya ay bahagi ng mas malaking plano: isang paglalakbay patungong lupang pangako.
1 Nephi 3:1
Si Nephi ngayon ay nagtungo sa tolda ni Lehi.
1 Nephi 3:2–6, 5:16
Si Lehi ay nagsabi kay Nephi ng mga tagubiling natanggap niya mula sa Panginoon na si Nephi at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay kinakailangang bumalik sa Jerusalem upang kunin ang talaan ng kasaysayan ng kanilang pamilya at angkan: ang laminang tanso, na kasalukuyang hawak ng isang tao sa Jerusalem na nagngangalang Laban.
1 Nephi 3:7–8
Tinanggap ni Nephi ang mga tagubilin ng Panginoon na inihatid ni Lehi.

Ang Pagbabalik sa Jerusalem upang Kunin ang Mga Laminang Tanso

1 Nephi 3:9
Si Nephi at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay umalis sa lambak ng Lemuel, at bumalik sa Herusalem, kung saan ang bahay ni Laban ay matatagpuan.
1 Nephi 3:10
Ang mga magkakapatid na lalaki ay nagsanggunian bago pumasok.
1 Nephi 3:11
Sapalaran nilang pinili si Laman na pumunta sa bahay ni Laban.
1 Nephi 3:11–12
Pumasok si Laman, at hiningi kay Laban ang mga talaan.
1 Nephi 3:13
Nagalit si Laban, inakusahan si Laman ng pagiging isang magnanakaw, at nagbanta na patayin siya.
1 Nephi 3:14
Tumakbo palabas si Laman, sinalubong ang kanyang bigong mga kapatid na lalaki; naghahanda silang umalis sa Jerusalem.
1 Nephi 3:15–21
Hinikayat sila ni Nephi na huwag umalis, at nagmungkahi na pumunta sila sa kanilang lumang bahay sa Jerusalem, mangolekta ng lahat ng kanilang mga mahahalagang bagay, at ipakita ang mga ito kay Laban bilang kapalit sa mga laminang tanso.
1 Nephi 5:6,1–3
Samantala, pabalik sa lambak ng Lemuel, ang asawa ni Lehi na si Sariah ay dumaing tungkol sa posibleng pagkamatay ng kanilang mga anak na lalaki at nakapanghihilakbot na sitwasyon sa disyerto.
1 Nephi 5:4–6
Inaliw ni Lehi si Sariah, ipinatitiyak sa kanyang sinusunod nila ang tagubilin ng Panginoon.

Ang Muling Pagtatangkang Kunin Ang Mga Laminang Tanso

1 Nephi 3:22–23
Ayon sa plano, ang magkakapatid na lalaki ay titigil sa kanilang lumang bahay, titipunin ang mga mahahalagang bagay, at babalik sa lugar ni Laban.
1 Nephi 3:24
Ipinakita nila ang mga mahahalagang bagay at nagmungkahi ng isang pakikipagpalitan para sa mga laminang tanso.
1 Nephi 3:25
Kinuha ni Laban ang mga mahahalagang bagay, pinalayas ang magkakapatid na lalaki, at ipinagutos ang kanilang kamatayan.
1 Nephi 3:26–27
Nakatakas ang magkakapatid na lalaki, naiwasan ang mga tagapagsilbi ni Laban, at nagtago sa isang yungib.
1 Nephi 3:28
Galit na galit sa kabiguan ng mga plano, Si Laman at Lemuel ay nagsimulang hampasin si Sam at Nephi ng isang pamalo.
1 Nephi 3:29–30
Habang namamalo, ang isang anghel ay nagpakita, pinagsabihan si Laman at Lemuel, at nangako na ang banal na biyaya ay dadalo sa kanila sa susunod nilang pagtatangkang makuha ang mga laminang tanso.
1 Nephi 3:31
Matapos na makaalis ang anghel, si Laman at Lemuel, tila walang malasakit sa pangakong biyaya ng anghel, ay nagpahayag ng kanilang pag-aalinlangan at pangungutya.

Ang Huling Pagtatangkang Kunin Ang Mga Laminang Tanso

1 Nephi 4:1–3
Si Nephi, na naglalagay ng kanyang tiwala sa Panginoon, ay hinikayat ang kanyang mga kapatid na lalaki na maniwala sa anghel at bumalik.
1 Nephi 4:4
Si Laman at Lemuel ay hindi masaya na marinig ito, ngunit sumang-ayon na bumalik kasama si Nephi sa kabila ng kanilang mga pagdududa.
1 Nephi 4:5–6
Sumapit ang gabi; si Nephi ay nagsabi sa kanyang mga kapatid na lalaki na magtago habang siya ay pupunta upang magsiyasat.
1 Nephi 4:7–8
Habang siya ay nalalapit sa bahay ni Laban, si Nephi ay nakasumpong ng isang lalaking lasing na nakabulagta sa kalye. Ito ay si Laban.
1 Nephi 4:9
Napansin ni Nephi ang espada ni Laban.
1 Nephi 4:10
Ang Espiritu ay nagsabi kay Nephi na patayin si Laban.
1 Nephi 4:10
Si Nephi, na nabigla sa utos, ay hindi ginustong patayin ang sinuman.
1 Nephi 4:11–13
Tiniyak ng Espiritu kay Nephi na ang kamatayan ni Laban ay kinakailangan.
1 Nephi 4:14–17
Pinagisipan ni Nephi ang mga bagay, at inalala ang kahalagahan ng mga talaang yaon.
1 Nephi 4:18
Sinusunod ang mga utos ng Espiritu, Pinugutan ni Nephi si Laban.

Ang Patagong Operasyon ni Nephi

1 Nephi 4:19
Sinimulan ni Nephi na isuot ang mga damit ni Laban, at magpanggap bilang siya.
1 Nephi 4:20,35
Si Nephi, na nagpapanggap bilang Laban, ay sinalubong ang taga-ingat yaman ni Laban, si Zoram, at humiling na papasukin siya sa tresorerya.
1 Nephi 4:21–23
Si Zoram ay hindi naghinala sa anuman.
1 Nephi 4:24–27
Si Nephi ay pumasok sa ingat-yaman, kinuha ang mga laminang tanso, at nagsabi kay Zoram na sumunod sa kanya palabas. Pumunta sila patungo sa naghihintay na mga kapatid na lalaki ni Nephi.
1 Nephi 4:28–29
Ang mga kapatid na lalaki ni Nephi, nakikitang si Nephi ay nakabihis ng damit ni Laban, ay natakot at nagsimulang magsitakbo, subalit si Nephi ay tumawag sa kanila.
1 Nephi 4:30
Si Zoram ngayon ay nagsimulang manghinala na si Nephi ay hindi si Laban; Siya, ng maglaon, ay natakot.
1 Nephi 4:31–34
Sinunggaban ni Nephi si Zoram, sinasabi kung ano ang mga nangyayari, sinasabi sa kanyang wag umalis, at nangako sa kanya ng lugar sa pamilya ni Lehi.
1 Nephi 4:35–37
Nagtiwala si Zoram kay Nephi, at nangako na mamamalagi kasama nila.
1 Nephi 4:38
Nilisan nilang lahat ang Jerusalem at humayong pabalik sa kanilang ama sa lambak ng lemuel.

Ang Muling Pagtitipon ng Pamilya ni Lehi

1 Nephi 5:1,7
Ang pagbabalik ng mga anak na lalaki ni Lehi kasama si Zoram, ay higit sa kaligayahan ng kanilang mga magulang.
1 Nephi 5:8–9
Inihayag ni Saria ang kanyang napanibagong pananampalataya, at silang lahat ay sama-samang nagdiwang.
1 Nephi 5:10
Pagkatapos, nagsimula si Lehi ng mabuting pag-aaral sa mga laminang tanso.
1 Nephi 5:21, 11–13
Natuklasan ni Lehi na ang mga Laminang Tanso ay naglalaman ng Moses’ Pentateuch, at ang mga sulat ng marami pang propeta simula pa kay Moses.
1 Nephi 5:14–16
Natagpuan ni Lehi ang talaangkanan na nasusulat sa mga lamina; nagawa niyang matukoy na siya ay inapo ni Jose, ang anak ni Jacob.
1 Nephi 5:17–19
Si Lehi, na puspos ng Espiritu, ay nagpropesiya na, kasama ng ibang mga bagay, ang nilalaman ng mga laminang tanso ay mapangangalagaan para sa kanyang mga inapo.
1 Nephi 5:20, 22
Kinilala ni Nephi ang pagiging masunurin niya at ng kanyang ama, at sila ay nagpasyang dalhin ang mga laminang tanso kasama nila kung saan man sila patutungo.
1 Nephi 7:1–2
Si Lehi ay nakatanggap ng isa pang paghahayag na nagsasabi sa kanya na ang kanyang mga anak na lalaki ay kailangang makasal bago nila gawin ang kanilang paglalakbay. Binilinan ni Lehi ang kanyang mga anak na lalaki na bumalik sa Jerusalem upang hanapin ang pamilya ng lalaking nagngangalang Ismael, at dalhin sila sa lambak ng Lemuel kasama ni Lehi.

Ang Muling Pagbabalik sa Jerusalem Upang Kunin ang Pamilya ni Ishmael

1 Nephi 7:3
Si Nephi at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay nagtungo.
1 Nephi 7:4
Natagpuan nila ang pamilya ni Ismael, at hinayaan silang ipaalam ang kanilang kalagayan.
1 Nephi 7:5
Si Ismael ay nakaunawa, at sumang-ayon na umanib sa kanila. Silang lahat ay nagtungo pabalik sa lambak ng Lemuel.
1 Nephi 7:6–7
Sa daang pabalik, si Laman, Lemuel, at ang kanilang mga taga-suporta ay naghimagsik at iminungkahi na sila ay bumalik sa Jerusalem.
1 Nephi 7:8–15
Sila’y pinagsabihan ni Nephi, at ipinaalala sa kanila ang mga pagpapala ng Panginoon sa nakaraan, ang kanilang mga responsibilidad, at ang napipintong pagbagsak ng Jerusalem.
1 Nephi 7:16
Si Laman at Lemuel ay lubhang nagalit; itinali nila si Nephi at nagplanong iwan siya upang masila ng mga mababangis na hayop.
1 Nephi 7:17
Si Nephi ay nanalangin para sa tulong.
1 Nephi 7:18–19
Ang gapos ni Nephi ay mahimalang nakalag, at hinarap niya si Laman at Lemuel, na nakahandang pagbuhatan siya ng kamay; ang ilan sa mga kamag-anak ni Ismael ay nangusap kay Laman at Lemuel, at napakalma nila sila.
1 Nephi 7:20
Napagtanto ni Laman at Lemuel ang kanilang pagkakamali, at nagmakaawa kay Nephi para sa kapatawaran.
1 Nephi 7:21–22
Pinatawad sila ni Nephi; nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay, at sa wakas ay nakarating pabalik sa lambak ng Lemuel, muling nakikibuklod kay Lehi.

Ang Panaginip ni Lehi

1 Nephi 8:2–4
Matapos ng ilang sandali, inihayag ni Lehi na siya ay nagkaroon ng isang pangitain sa panaginip.
1 Nephi 8:4–35
Nagbigay siya ng detalyadong ulat ng kanyang panaginip, isinasalarawan ang isang puno, bunga, ang kanyang pamilya, ang gabay na bakal, isang bukal ng tubig, at ang malaking gusali.
1 Nephi 8:36–38
Si Lehi ay naligalig dahil sa mga mapagbantang nilalaman ng panaginip patungkol kay Laman at Lemuel. Nakipagusap siya sa kanila, at hinikayat silang maging matuwid.
1 Nephi 10:2, 15
Si Lehi ay nagpatuloy sa pagpropesiya tungkol sa tadhana ng mga hudyo at ang pagparito ni Jesukristo.

Ang Tugon at Pag-unawa ni Nephi

1 Nephi 10:17–22
Ninais ni Nephi na maunawaang mabuti kung ano ang sinabi at nakita ng kanyang ama tungkol kay Jesukristo at ang kanyang ebanghelyo.
1 Nephi 11:1
Ninais ni Nephi na malaman ang mga bagay ng Diyos, naniniwalang ang Panginoon ay ipahahayag sila, at nagbulay-bulay sa kanyang puso.
1 Nephi 15:1–4
Pagkatapos ng pangitain, si Nephi ay tumungo sa tolda ni Lehi, na kung saan ay natagpuan niya si Laman at Lemuel na nagtatalo-talo tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng mga salita ng kanilang ama.
1 Nephi 15:5–6
Si Nephi, na matindi pa rin ang pagkayanig dahil sa mga nilalaman ng kanyang pangitain, ay kumuha ng ilang sandali upang malikom ang kanyang mga saloobin at isa ayos ito.
1 Nephi 15:7–8
Sinabi nina Laman at Lemuel kay Nephi na hindi nila maunawaan kung ano ang sinasabi ni Lehi nang kanyang tinukoy ang mga sanga ng olibo. Tinanong sila ni Nephi kung ipinanalangin nila ang mga ito.
1 Nephi 15:9
Tumugon sila na hindi.
1 Nephi 15:10–11
Pinagsabihan sila ni Nephi, at sinabi sa kanila na ang kasagutan ay naghihintay para sa kanila, subalit kinakailangan nilang manalangin upang matanggap ang mga ito.
1 Nephi 15:12–20
Si Nephi ay nagsimulang magbigay ng detalyadong paliwanag sa talinhaga ng sanga ng olibo; Ipinaliliwanag nito ang proseso ng pagkakalat at pagtitipon ng pinagkatipanang tao ng Diyos.
1 Nephi 15:20
Si Laman at Lemuel, na tila humanga, ay nasiyahan na sa paliwanag ni Nephi.
1 Nephi 15:21–36
Si Laman at Lemuel ngayon ay nagpatuloy sa pagtatanong kay Nephi kung ano ang kinakatawan ng mga elemento ng panaginip ni Lehi; si Nephi ay nagpaliwanag, at sila ay nagtalakayan.
1 Nephi 16:1–3
Sa pagkarinig sa mapurol na pagpapakahulugan ni Nephi, si Laman at Lemuel ay nagsabi na higit pa ito sa kaya nilang— Napagtanto ni Nephi na mahirap para sa mga nagkasalang tao na tanggapin ang katotohanan.
1 Nephi 16:4–5
Pinayuhan ni Nephi ang kanyang mga kapatid na lalaki na maging masigasig; sila ay sumang-ayon, at si Nephi ay nagkaroon ng labis na pag-asa para sa kanila.

Ang Paglisan Mula sa Lambak ng Lemuel

1 Nephi 16:7–8
Sa paghahanda sa kanilang paglalakbay, si Nephi, ang kanyang mga kapatid na lalaki, at si Zoram ay kanya-kanyang pinakasalan ang mga anak na babae ni Ismael.
1 Nephi 16:9
Ang Panginoon ay nagtagubilin kay Lehi na simulan ang kanilang paglalakbay sa susunod na araw.
1 Nephi 16:10, Alma 37:38–39, Mosiah 1:16–17
Kinaumagahan, si Lehi ay bumangon at natagpuan ang di-karaniwang bola na parang aguhon na tinawag na Liahona; ito ay dinisenyo upang gabayan sila tungo sa disyerto.
1 Nephi 8:1, 16:11–12
Tinipon ng mga tagasunod ni Lehi ang kanilang mga panustos, iniligpit ang kanilang kuta, at lumisan.

Ang Pagdaan sa Shazer

1 Nephi 16:13
Matapos ang apat na mga araw ng paglalakbay patimog, ang pangkat ay nakarating sa lugar na tinatawag na Saser.
1 Nephi 16:14–16
Ginamit ng pangkat ang Liahona upang gabayan sila sa kanilang mga pangangaso.
1 Nephi 16:17
Matapos ang ilang mga araw ng paglalakbay, ang pangkat ay tumigil upang muling punuan ang kanilang mga ipong pagkain.
1 Nephi 16:18–19
Sa isa sa kanilang pangangaso, hindi inaasahang nabali ni Nephi ang kanyang busog, at umuwing walang dala, higit sa pagkadismaya ng nalalabi sa mga pangkat.
1 Nephi 16:20
Si Laman, Lemuel, at mga anak na lalaki ni Ismael at maging si Lehi ay bumulong-bulong dahil sa kanilang mga pasakit, at nagsimulang mamuhi sa Diyos.
1 Nephi 16:21–22,24
Sinubukan ni Nephi na maglubag sa mga pagrereklamong yaon.
1 Nephi 16:23
Dinala ni Nephi ang kanilang kalagayan sa sarili niyang mga kamay, at gumawa ng isang busog sa kanyang sarili. Siya ay nagtanong sa nagsisising si Lehi kung saan siya nararapat pumunta upang mangaso.
1 Nephi 16:24
Si Lehi, na nagpakumbaba, ay nagtanong sa Panginoon.
1 Nephi 16:25–26
Ibinaling ng Diyos si Lehi sa Liahona.
1 Nephi 16:27, 29
Mga bagong kasulatan ay lumabas doon, na tila nagpapakita kung saan tutungo upang mangaso.
1 Nephi 16:28–29, Alma 37:40–42
Ang Liyahona ay kumikilos ng naaayon sa pananampalataya ng mga yaong nagmamayari nito.
1 Nephi 16:30–31
Sinundan ni Nephi ang direksiyon ng Liyahona, at tumigil sa tuktok ng bundok, na kung saan ay natagpuan niya ang mga hayop na papatayin.
1 Nephi 16:32
Si Nephi ay nagbalik sa kuta na may pagkain, higit sa kaligayahan ng pangkat.

Ang Mga Suliranin sa Nahom

1 Nephi 16:33–34
Ipinagpatuloy ng pangkat ang kanilang mga paglalakbay. Sila ay nakarating sa lugar na tinawag na Nahom, kung saan si Ismael ay namatay at inilibing.
1 Nephi 16:35–36
Ang mga anak na babae ni Ismael ay lubhang nagluksa, ipinagluluksa ang kanilang kalagayan, at nagnanais na bumalik pauwi.
1 Nephi 16:37
Si Laman at Lemuel ay nagbantang patayin si Lehi.
1 Nephi 16:38
Si Laman at Lemuel ay iniuugnay ang mga nasabing paghahayag ni Nephi at Lehi sa panlilinlang at pandaraya.
1 Nephi 16:39
Habang sila’y nagbabanta, narinig nila ang nakayayanig na tinig ng Diyos na nagpaparusa sa kanila; agad silang nagsipagsisi.
1 Nephi 17:1
Ang pangkat ay nagpatuloy, sa panahong ito ay pasilangang; ilan sa mga kababaihan ay nagsilang ng mga bata sa kanilang paglalakbay.
1 Nephi 18:7
Si Sariah, ang asawa ni Lehi, ay nagsilang ng dalawang anak na lalaki: si Jacob at si Jose.
1 Nephi 17:2–4,12–13
Ang pangkat ay pinagpala sa pagtupad sa mga kautusan ng Diyos; nagawa nilang mabuhay ng malusog at masaya sa mga hilaw na karne bilang pagtupad sa kautusan ng Diyos na hindi sila gagawa ng apoy.

Ang Pagdating sa Bountiful

1 Nephi 17:5–6
Ang pangkat ay nakarating sa isang malabang at mabungang bahagi ng baybayin na tinatawag na Masagana.
1 Nephi 17:7
Sinabi ng Panginoon kay Nephi na umakyat sa bundok.
1 Nephi 17:8
Sinabi ng Panginoon kay Nephi na gumawa ng isang sasakyang-dagat.
1 Nephi 17:9–10
Si Nephi ay nagtanong kung saan patutungo upang makakuha ng mga inang mina para sa paggawa ng mga kagamitan sa pagyari ng sasakyang-dagat; Sinabi sa kanya ito ng Panginoon.
1 Nephi 17:11
si Nephi ay gumawa ng mga apoy at bulusan.
1 Nephi 17:15–16
Si Nephi ay gumawa ng mga kagamitan mula sa mga inang mina.
1 Nephi 17:17–18
Nang makita ni Laman at Lemuel si Nephi na gumagawa, kinutya nila siya.
1 Nephi 17:19
Si Nephi ay lubhang nasaktan sa kanilang kawalan ng paniniwala.
1 Nephi 17:19–22
Si Laman at Lemuel ay nagpatuloy sa pagkutya at panglalait kay Nephi sa kanyang gawa; sinisisi siya sa lahat ng kanilang mga suliranin.
1 Nephi 17:23–47
Sa pagtugon, pinangaralan ni Nephi ang kanyang mga kapatid na lalaki, isinasalaysay ang kasaysayan ng Israel, kinundena ang kanilang kawalang-paniniwala, at hinimok silang magsisi.
1 Nephi 17:48
Nang marinig ito, si Laman at Lemuel ay lubhang nagalit, at nagnais na itapon si Nephi sa karagatan.
1 Nephi 17:48–49
Si Nephi ay nagsalita sa ngalan ng Diyos sa pagpigil kay Laman at Lemuel.
1 Nephi 17:50–52
Muling pinatunayan ni Nephi ang kapangyarihan ng Diyos na nasa kanya; si Laman at Lemuel, kumbinsido, ay hindi nagtangkang pagbuhatan siya ng kamay.
1 Nephi 17:53–54
Sinabi ng Panginoon kay Nephi na iunat ang kanyang mga bisig—si Laman at Lemuel ay nakatanggap ng malakas na pagkapanginig.
1 Nephi 17:54–55, 18:1
Kinilala ni Laman at Lemuel ang makalangit na awtoridad ni Nephi; nagsimula silang sambahin si Nephi, ngunit sinabi ni Nephi sa kanila na ang Diyos ang dapat nilang sambahin.
1 Nephi 18:1–2
Si Nephi at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay nagpatuloy sa pagtatayo sa sasakyang-dagat.
1 Nephi 18:3
Si Nephi ay madalas na bumabalik sa bundok upang makatanggap ng makalangit na gabay.
1 Nephi 18:4
Ang sasakyang-dagat ay nabuo.
1 Nephi 18:5
Inutusan ng Panginoon si Lehi na dalhin ang bawat isa papasok sa sasakyang-dagat.
1 Nephi 18:6
Tinipon nila lahat ng kanilang mga panustos, at lumulan sa sasakyang-dagat.

Ang Paglisan Patungo sa Lupang Pangako

1 Nephi 18:8
Ang sasakyang-dagat ay pumalaot.
1 Nephi 18:9–10
Matapos ang ilang mga araw, ilan sa mga pasahero ay nawalan ng pagpipitagan at gumawa ng mga hindi tamang asal; nagsimula silang maghimagsik laban kay Nephi, na naghihimok sa kanilang magpakatino.
1 Nephi 18:11–12
Inatake ni Laman at Lemuel si Nephi, at itinali siya. Ang Liyahona ay huminto sa pagkilos.
1 Nephi 18:13
Isang malakas na bagyo ay nagsimula, at walang nakaaalam kung aling direksiyon sila patutungo.
1 Nephi 18:17–18
Si Lehi at Saria ay lubhang nasaktan at napagod dahil sa mga asal ng kanilang mga anak na lalaki.
1 Nephi 18:19
Si Jacob at Jose ay nakaramdam ng pagdadalamhati dahil sa paghihirap ng kanilang ina; ang asawa ni Nephi ay tumangis.
1 Nephi 18:14–15,20
Ang bagyo ay nagtagal ng apat na araw; si Laman at Lemuel sa wakas ay napagtanto na ang kahatulan ng Diyos ay napasakanila, anupa’t kanilang kinalagan si Nephi.
1 Nephi 18:16
Pinuri ni Nephi ang Diyos, sa kabila ng mga paghihirap.
1 Nephi 18:21–22
Ang Liahona ay nagsimulang kumilos muli, at ginabayan ni Nephi ang sasakyang-dagat patungo sa lupaing pangako.
1 Nephi 18:23
Maraming oras ang nakalipas, sila ay nakarating sa lupang pangako.